Wala akong matinong pictures from last night's gig, konti lang din naman kasi kinuha ko dahil mas nagfocus ako sa pagkuha ng videos since second to the last Guijo gig na yun ng Sugarfree before Ebe officially leaves the band.
Ito na lang ang ipinost ko dito dahil achievement din ng gabing yun na nakumpleto ko nang papirmahan sa kanila ang Sa Wakas CD ko (sa wakas!). Nauna si Ebeng pumirma dyan 17 months ago pa at kagabi lang tuluyang nakumpleto.
Malungkot na masaya na sobrang malungkot na sobrang masaya ang mga emosyong naghari kagabi. Kahit sobrang init at siksikan, ito na ata ang best gig na napuntahan ko ever sa Sugarfree. Ramdam ng lahat that there's a looming sadness pero mas pinili na lang na mag-enjoy.
Bilang na bilang na ang araw ng lahat ng fans ng banda, noon at ngayon, na makakapiling, maririnig at makikitang magkakasama ang tatlo sa entablado. Masakit man tanggapin pero ganun talaga siguro. Nahihirapan man akong tanggapin ng maluwag sa damdamin ang gagawing paglisan ni Ebe, e ano namang magagawa ko? Gusto nyang magsolo eh. He must have his own reasons.
Pero sorry kung di ko maiwasan maging emosyonal sa desisyon nyang yun. Parang feeling ko may nakipag-break sakin. In a way, parang nakikipag-break na rin sya sa mga fans nya. Lahat ng mga kantang isinulat nya na dati ay madalas tungkol sa buhay pag-ibig lang inirerelate, parang nairerelate ko na sa gagawin nya.
Magkaganun pa man, alam kong balang araw makakapag-move on din ako, tayong lahat na fans. It may take a while pero at least meron tayong mga alaalang pwedeng panghawakan isa, lima, sampung taon mula ngayon. Marinig man natin ang Huwag Ka Nang Umiyak o Burnout 20 years from now, I think it will still trigger the same warm feelings and strong pull in our hearts, that once upon a time, naging theme song sila ng buhay natin.
No comments:
Post a Comment