Napagandang welcome back ang isinalubong ng syudad sakin after manggaling sa isang island trip somewhere in Quezon (more on that on later post). First time kong ma-experience ang madukutan nang harap-harapan!
Habang naghihintay ng bus papuntang Trinoma sa may Kamuning MRT station, hindi ko naman inakala na yung mga mamang nasa paligid-ligid ay may mga masasamang balak pala. Naisip ko pa na sila yung tipo ng mga lalaking pauwi na sa kani-kanilang mga tahanan after a hard day's work.
Aba nung may dumating na bus (Don Mariano if I remember it correctly) biglang nakipaggitgitan sakin paakyat sa bus. Parang normal pa nga para sakin kasi syempre medyo punuan, kaso parang halos 30 segundo na ata kaming nandun lang sa may pintuan ng bus at di makapasok. Maya-maya may kamay na na pumapasok sa kaliwang bulsa ko. Pakshet agad ang una kong naisip, sabay tinitigan ko yung katabi kong Manong at sinabihan sya ng "grabe naman yan kuya tsk tsk".
It finally dawned to me, matapos makapasok at makaupo sa loob ng bus, na scam lang ang lahat. Wala pang 100 metro e bumaba na yung tatlong gunggong na tinititigan ko pa rin at sinasabihan ng "Garapalan naman!". Hanggang sa yung mga katabi ko ay nagke-kwento na kung pano nila nakita na yung kamay nung isa sa maga lalaki ay nasa loob na ng bag ko, etc.
True enough, bukas nga ang isang zipper ng bag ko. Pero nagpapasalamat ako na si Boris ang dala kong bag kasi yung isang compartment at main zipper nya ay mahirap mabuksan dahil nakatago. At ang compartment na nabuksan lang ng gunggong na manong ay harmless. Wala silang nakuha maliban sa tootbrush ko na marahil pagkakuha ay inihagis na lang sa may upuan.
Naisip ko pa nga na baka kasabwat pa nila ang drayber at konduktor kasi alam nila kung saan hihinto at pabababain ang mga hinayupak eh. Sa sobrang pagkalito ko tuloy sa Quezon Ave. ako bumqaba dahil na-distract ako sa lightings ng Centris Station, napagkamalan kong Trinoma na. Di na tuloy ako nakapagbayad ng pamasahe. Okay lang. Kasi if ever, wala na rin naman akong cash sakin dahil kinuha na nila yung 150 pesos ko sa bulsa.
*uck you. Magtrabaho naman kayo ng marangal. Dinudungisan nyo ang imahe ng syudad na 'to at ng mga mahihirap na tao na kumakayod sa mabuting paraan!
No comments:
Post a Comment