Monday, November 16, 2009

Strike Two

Maliban sa loob ng mall, sinong tao ang nagbubukas ng Christmas tree lights ng pagka-aga-aga? Take note: nasa loob ng opisina na napakaliwanag courtesy of haring araw. May tinatawag na pagtitipid di ba?

#
Tanong: kung may kaibigan kang nagsabi sayo na ayaw ka na nyang maging kaibigan, anong mararamdaman mo?

Naisip ko lang, minsan pala mas insensitibo tayo sa mga taong akala natin nandyan lang palagi. Samantalang, isip tayo ng isip sa mga taong hindi naman nga natin sigurado kung naiisip din ba tayo at ang papel natin sa buhay nila. Talagang minsan, huli mo na maiisip na may mga taong di mo pala kayang mawala sa buhay mo pero maiisip mo lang pag sila naman ang unti-unting nawawala na sa buhay mo.

Naniniwala akong may break-ups din sa friendships. Minsan kailangan. Minsan talagang bigla na lang nangyayari. Pero hindi ako makapaniwalang kamuntikan ko na palang gawin yun. Ang sama, oo.

~~
Moving on, sana Byernes na ulit! Looking forward to seeing the Cheese more. Haha.

##

Lunes. Pagsusulat na walang kamatayan boo.

4 comments:

LR said...

One day, maglalaslas na lang ako dito haha

Marye said...

And we will never wonder why.. ;p

atticus said...

ganyan talaga. you let go of some, and win some new ones.

pero kung may kaibigan akong magsasabi na ayaw na niya sa akin, tatanungin ko pa rin kung bakit para ma-improve ko ang sarili ko at hihingi ako ng isa pang tsansa.

family and relatives, wala silang choice. but our friends can choose to keep us or dump us. that's why we try to win them. or win them back.

i've let go of some friends, and three or them i've known for almost two decades. imagine how hard and painful it was for me. but i had to do it.

we all evolve.

Marye said...

Pero alam kong ako ang nagkasala.So I guess, I have to win him back again. Napaka-engot lang talaga ng dahilan at dahil dun nakasakit ako ng tao at muntik nang mawalan ng kaibigan.

It's a first. And it wasn't good at all.

Thanks for the words of wisdom Miss JJ!