Saturday, November 21, 2009

Magtatanim Muna..

That's why it was called a surprise darling, it creeps up on you without you ever knowing what the hell just happened. :O

~~
Malaya na ako. Sort of. Kahapon, natanggap ko ang isa sa pinaka-nakakagulat na balita sa buhay ko: wala na daw akong trabaho. Dismissed. Redundant. Gardening leave. Backpay. December 11. Thank you. Yun na lang ang mga naaalala ko. Kasama ng apat pang kaopisina, kami'y pinapunta sa Aquarium. Akala ko may meeting lang. Byernes kasi nun. Naglitanya na naman ang boss naming mahilig sa mabulaklak na salita. Pero naramdaman ko na eh. Eto na siguro yun. Habang lumalalim pa ang pagpapaliwanag ng boss namin, hindi ko na maiwasang mapangiti.

Totoo. Nakahinga ako. Hindi ko na kailangan mag-isip ng kasinungalingan para lang may maisulat sa resignation letter sa Disyembre. Eto na, sila na mismo ang nagsabi. Para kong nabunutan ng tinik. Hindi ko na kailangang magsulat araw-araw ng tungkol sa sugal. Hindi ko na kailangang lokohin pa ang sarili ko na hindi na talaga ko masaya sa trabaho ko.

Malaya na ako.

Wala akong sama ng loob sa kahit kanino pa sa management namin. Hindi naman talaga ko yung tipo ng nagtatanim ng sama ng loob in the first place. Eto na yata ang pinaka-weird na dismissal na nangyari sa buhay ko (not that I've been dismissed before, actually first time ko 'to!). Lahat kami nakangiti. O siguro kami lang yun ng isa kong kaopisina. Hindi ko rin masasabi kung ano yung naramdaman talaga nung iba. Sana okay lang din sila.

Hindi na ko nakapag-alam sa mga kaibigan ko sa kabilang kwarto. Mabilisang exit eh.

Ngayon, gusto ko mang aminin na masayang masaya ko sa nangyari bigla syang nasapawan ng thought na ito: hindi ako pwedeng mag-slack off. Bakit? Dahil wala akong magulang na sasalo sakin kung sakali mang mawalan ako ng trabaho. Hindi ako pwedeng humiga lang maghapon sa kama at pag naisipang bumangon o kaya maramdaman ang gutom e pwedeng magpunta sa kusina at tingnan kung ano ang pagkain. Ilan lang yun sa mga eksenang hindi ko mararanasan.

Sa madaling salita, kailangan pa ring kumayod.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga kaibigan kong nagpaabot ng simpatiya. Whether nag-IM sakin, tumawag, nagtext or nag-email. Ito ay isang balitang sa iilang tao ko lang sinabi pero may pakpak talaga ang balita eh. But the general emotion was of surprise. Akala nila nagbibiro lang ako.

So kung isa ka sa hindi pa nakakaalam, ngayon alam mo na. May alam ka bang opening dyan? Hehe.

3 comments:

ed said...

well that blows..
don't worry, you can get over this.. i know you can.. ikaw pa :P

Marye said...

Yay! Thaaaaaaaanks Ed!! :)

Hannee said...

ganon daw talaga ang exit mabilisan..sa mfg usually tatawagin ka tas bibigyan ka lang ng brown envelope kasama na ron certificate of employment etc.. :(