Problema, di nga lang sila sumasagot. Pero okay na yun kasi may mga musikero palang nagbibigay buhay sa mga nararamdaman natin, nakapagsusulat ng mga karanasan natin. At posible pala yun.
Naalala ko nagpabili ko ng Dramachine sa UP Bahay Ng Alumni nun kaso di ko na alam kung ano nangyari sa pinabili kong CD na yun. Di na nakarating sa mga kamay ko. Buti na lang may kaibigan ako na nagbigay sakin ng Sa Wakas album. Sa wakas talaga!
Hanggang sa umalis si Mitch at dumating si Kaka. Walang nagbago. Ganun pa rin pagmamahal ko sa kanila. Sila na nga lang ang bandang inaabangan ko tuwing UP Fair eh. At hindi naman ako nabibigo dahil sa tuwing naririnig ko silang mag-perform, solb. Iba e. Yung mga kanta nila tagos at para talaga sa mga ordinaryong tao kumbaga, hindi mahirap intindihin. Kapag nagsasalita pa sila sa mga gig nila, parang kausap mo nga lang barkada mo talaga, kaya naman mahal na mahal sila ng mga fans nila. Sana wag kayong magsawa magsulat at gumawa ng musika para sa mga Filipino, sana.
At ngayon pang nalaman ko na magkakaroon ng concert ang Sugarfree sa Agosto, aba, wala nang tanung-tanong. Manunuod ako. Pramis. Wala nang ibang OPM band (maliban siguro sa Wolfgang) ang mamahalin ko siguro tulad ng pagmamahal ko sa kanila.
Natatandaan mo ba kagabi Apat na oras tayong nagbabad sa telepono Inabutan na tayo ng umaga no'n Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla Magdamag na sa tabi mo, wala man lang "hello" Hello, hello, hello Naririnig mo pa ba ako? Kung wala na tayo sa telepono 'Pag nandito na tayo sa tunay na mundo Hello, 'di na kita naiintindihan Malabo na ba ang linya sa ating dalawa Hello, gising ka pa kaya? Hello, nahihilo na ako sa 'yo Tuwing gabi 'pag nagriring ang telepono Ikaw ang naiisip ko Tumawag ka, tumawag ka O, please tumawag ka naman Dahil kailangan lang marinig ang boses mo O, ngayong gabi, managinip Managinip ulit tayo sa sarili nating mundo
6 comments:
tara na!!! :)
Wala pa nga tickets eh ahahaha. nasobrahan naman ako sa excitement!
ok. sinong excited! taas ang kamay!
kelan kayo manonoo? yung 28 or yung 29?
Kami ni Pamela! Mega tawag na ko kahapon wala pa naman pala. Ni ticketnet nga di pa alam eh haha!
Baka 29 para di mapuyat yung nag-e-MA. Ikaw? Taraaaa!
ay hindi ko pa sure kung 28 or 29.sige sabihan nyo ko. kasama ko yung up baguio friend ko.. meet ko kayo dun.. naku end of may pa ata ako tumawag nun sa ticketworld. sobrang excited..
yung bagong album baka end of july!
29 daw kami eh. sa july 15 pa daw magiging available hahaha. nagcomment kaya ko dun sa website nila, kakahiya nga eh. not paying attention ako haha. bili tayo album! :D
Post a Comment