Wednesday, July 01, 2009

Wednesday LOVE

Ever since they released their first single "Telepono" followed up by "Mariposa", I knew that I was hooked to this trio. I loved Ebe, Jal and Mitch like they were my very close friends that I get to chat everyday, I love them like they were some secret allies who knew my innermost dramas in life.

Problema, di nga lang sila sumasagot. Pero okay na yun kasi may mga musikero palang nagbibigay buhay sa mga nararamdaman natin, nakapagsusulat ng mga karanasan natin. At posible pala yun.

Naalala ko nagpabili ko ng Dramachine sa UP Bahay Ng Alumni nun kaso di ko na alam kung ano nangyari sa pinabili kong CD na yun. Di na nakarating sa mga kamay ko. Buti na lang may kaibigan ako na nagbigay sakin ng Sa Wakas album. Sa wakas talaga!


Hanggang sa umalis si Mitch at dumating si Kaka. Walang nagbago. Ganun pa rin pagmamahal ko sa kanila. Sila na nga lang ang bandang inaabangan ko tuwing UP Fair eh. At hindi naman ako nabibigo dahil sa tuwing naririnig ko silang mag-perform, solb. Iba e. Yung mga kanta nila tagos at para talaga sa mga ordinaryong tao kumbaga, hindi mahirap intindihin. Kapag nagsasalita pa sila sa mga gig nila, parang kausap mo nga lang barkada mo talaga, kaya naman mahal na mahal sila ng mga fans nila. Sana wag kayong magsawa magsulat at gumawa ng musika para sa mga Filipino, sana.

At ngayon pang nalaman ko na magkakaroon ng concert ang Sugarfree sa Agosto, aba, wala nang tanung-tanong. Manunuod ako. Pramis. Wala nang ibang OPM band (maliban siguro sa Wolfgang) ang mamahalin ko siguro tulad ng pagmamahal ko sa kanila.

Natatandaan mo ba kagabi
Apat na oras tayong nagbabad sa telepono
Inabutan na tayo ng umaga no'n
Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla
Magdamag na sa tabi mo, wala man lang "hello"

Hello, hello, hello
Naririnig mo pa ba ako?
Kung wala na tayo sa telepono
'Pag nandito na tayo sa tunay na mundo
Hello, 'di na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dalawa
Hello, gising ka pa kaya?
Hello, nahihilo na ako sa 'yo

Tuwing gabi 'pag nagriring ang telepono
Ikaw ang naiisip ko
Tumawag ka, tumawag ka
O, please tumawag ka naman
Dahil kailangan lang marinig ang boses mo

O, ngayong gabi, managinip
Managinip ulit tayo sa sarili nating mundo

6 comments:

ponkan said...

tara na!!! :)

Marye said...

Wala pa nga tickets eh ahahaha. nasobrahan naman ako sa excitement!

sarsi said...

ok. sinong excited! taas ang kamay!

kelan kayo manonoo? yung 28 or yung 29?

Marye said...

Kami ni Pamela! Mega tawag na ko kahapon wala pa naman pala. Ni ticketnet nga di pa alam eh haha!

Baka 29 para di mapuyat yung nag-e-MA. Ikaw? Taraaaa!

sarsi said...

ay hindi ko pa sure kung 28 or 29.sige sabihan nyo ko. kasama ko yung up baguio friend ko.. meet ko kayo dun.. naku end of may pa ata ako tumawag nun sa ticketworld. sobrang excited..

yung bagong album baka end of july!

Marye said...

29 daw kami eh. sa july 15 pa daw magiging available hahaha. nagcomment kaya ko dun sa website nila, kakahiya nga eh. not paying attention ako haha. bili tayo album! :D