Thursday, February 19, 2009

Nakakainis na mga Eksena

Nakakainit ng ulo lang 'tong mga LTO police officers na bigla na lamang lilitaw sa mga kanto at manghuhuli ng walang pasubali. Hindi mo na tuloy alam kung saan ba talaga ang tamang babaan, sakayan o hintuan. Now you see them, now you don't. Nakakairita kasi bigla na lang paparada ang 2 government cars, bababa ang mga pulis na ito na napakaangas talaga ng dating, magpapara ng mga random na sasakyan at mag-iissue ng tiket. Hindi naman ata kasi tama yun, dapat kasi may CONSISTENCY hindi yung kung kelan na lang nila maisipang lumabas ng kalye at manghuli gagawin nila. Kung trabaho nila yung ganun, dapat araw-araw silang nandun hanggang sa magkaroon ng kaayusan. Pasasaan ba't matututo din naman ang mga tao sa mabuting paraan. Para saan pa at mag-aadapt tayo. Ano ba? Ano ba talagang meron sa kapangyarihan na once natikman ng mga tao e ayaw ng bitawan. Mga leche. Nakakasira ng umaga.

~~

Bakit ba may mga taong hindi muna nag-iisip bago magbitaw ng mga salitang alam mong maari mong pagsisihan pagkatapos? Grabe umaariba ang sarcasm at iringan sa pook pangkabuhayan.

~~

Just a thought. I've always imagined that love should be reason enough to make someone be a better person. After all, it shouldn't be anything but an inspiration. But how come it's not turning out that way? Ahh..such a complicated thing. Just saying.

No comments: