Kanina lang, kinamusta ko ang lola ko through text. Saka ko lang nabalitaan na naoperahan pala sya sa tyan netong Oktubre lang. Cyst daw. Dating mga estudyante daw nya mga nurses na nag-alaga sa kanya at pati na rin yung anesthesiologist. Nagpaumanhin ako sa tagal ng di ko pagpaparamdam sa kanya at pagkekwento na rin ng mga worth ikwento na pangyayari sa buhay ko lately, tulad na lang ng pagkakaroon ng bwakanang shingles.
Nagpaalam na rin ako na dun ako uuwi at magpapasko sa kanya. Ang sagot ba naman sa akin ay “Okay. May boyfriend ka na ba?” Huwat a hirit. Pero alam ko na rin kasunod nun. At nagpakabait ako sa pamamagitan ng pagsagot na lang ng “Opo”. Nakailang ganitong usapan na ba kami ng lola ko? Wala pa kong boypren e saganang-sagana na ko sa mga paalala. Anyhoo, alam ko namang matanda sya at karapatan nyang payuhan at paalalahanan ako kaya okay lang naman, naiintindihan ko. Pero siguro, kahit naman hindi nya sabihin yun, bata pa lang ako napagdesisyunan ko na na hindi ko gagawin o uulitin ang ginawa ng mga magulang ko. We don’t repeat what our parents have done wrong. That is if we are educated and smart enough not to commit the same mistake.
Fine. Hindi ko pa rin mapapangako siguro unless trenta anyos na ko at nasa puntong ako na ang pinagtutulakan ngayon ng mga kamag-anak ko na mag-asawa na. Pero basta. Kaya nga may utak ang tao para gamitin mag-isip e. Maraming pagkakamaling nagagawa dahil puso lang ang pinapairal. Base lang naman sa experience ng mga tao sa paligid, naririnig at nakikita.
Balik tayo kay Lola. E di sumagot na ‘ko ng mga sagot na gusto nyang marinig (kailangan yun para ma-assure sya na hindi ako nalalango sa pag-ibig mwahaha), aba, panalo ang reply nya.
“May, palaging magdasal kay Mama Mary. Dapat may pinag-aralan din, masipag at responsible at may trabajo, siguraduhin mong mabait at walang sabit.”
Anak ng tipaklong! Mula sa pagdadasal kay Mama Mary ( OO, relihiyosa ang lola ko katulad ng karamihang matatanda sa Pilipinas at di lang yan HARDCORE religious pa kamo!)ang galing sumegway ni Lola. Waaah. Hindi pa naman ako mag-aasawa por dios y por santo, makapagbigay ng advice akala mo ay mag-aasawa na ko.
Hindi naman sa pinagtatawanan at pinagwawalang-bahala ko ang mga payo at paalala ng lola ko sakin, normal lang naman yun dahil sya ang nagpalaki sakin at sa simpleng dahilan na mahal nya ko. Tinatandaan ko naman yung mga yun pramis. Pero minsan kasi exaggerated na rin. Mukha siguro kasi atang magkakamali ako sa pagpili ng lalaki sa buhay (or in the near future) yun tipong kerida lang pala ako, elementary graduate lang, tamad, iresponsable at palamunin. Hahaha. Huwag naman sana. In the first place hindi naman ako maiinlab sa isang taong hindi ko makakausap. Intellectual equal lang ang hanap ko, solb na ko dun.
As for the other standards, well, may point nga sya with the rest ng mga sinabi nya. Yikes.
3 comments:
panalo si lola nga :P hehe
regards na lang sa lola mo kapag nagkita kayo :)
ang kulet no? haay mukang malabo na pala ata hmm..iniisip ko na rin kasi. magmamadali akong umuwi pag nagkataon...Bitiiin!
very good, apo!
Post a Comment