Ang sarap pala ng pakiramdam ng hindi nag-iisip at nagdedesisyon para sa sarili mo. Kung saan kakain, san liliko, san pupunta, anong oras aalis, anong kakainin, san bababa. Small stuff. But not too small to be ignored. Dapat lahat pala ng tao makaranas ng ganito. Kahit for once lang. Liberating lang yung feeling.
~~
Well, pangatlong araw ko nang may sakit 'to (at syempre pumapasok pa rin ako even if my body soldiers are screaming NOOOOO!), and I hope to recover soon. I HATE BEING SICK. Andami kong kapalpakang nagagawa. Yung clumsiness ko tumitriple pa lalo. At marami akong nakakalimutan. At hindi yun maganda.
Namiss ko nang magsulat at mag-vent ng kung anu-anong angas, inis, kwento at kung anu-ano pa kaya bumalik ako sa kaisa-isang notebook ko sa web. Napupuno na rin ng doodles ang kwaderno ko sa kwarto. Pero lately ay inaatake na talaga ko ng katamaran. Andami-dami kong gustong isulat pero wala kong lakas para kumuha ng bolpen at magsulat. Dagdag pa siguro kung yung inspirasyon mo e napakahirap ispelengin.
Ahchooooo.
No comments:
Post a Comment