Saturday, July 26, 2008

Leo

Nakakatawa lang talaga na even after all this time ay natatandaan, at patuloy na tinatanong/inaasar, ng mga kaopisina ko sakin si Leo. Kelan daw ba nila makikilala ang mahiwagang si Leo? Na paulit-ulit ko namang sinasagot pero sadyang ayaw nilang maniwala. Teka, e sino nga ba kasi si Leo? At ano ba ang papel nya sa buhay ko?

Well, nagsimula ang lahat nung Valentine’s Eve. Niyaya ko si Kimi na manood ng Endo, meaning sya ang ka-date ko for Valentine’s day. E kaso sumunod yung boypren nya dun sa Glorietta so kamusta naman? It turned out ay nanood ako ng sine na may kasamang mag-syota, parang kumuha ka lang ng asin na ibubudbod sa sarili mong sugat. So much for girls night out. Anyway, sa mga hindi pa nakakapanood ng Endo (as in end of contract), medyo love story sya. Light movie na lahat ay paniguradong makaka-relate sa mga karakter nina Jason Abalos at Ina Feleo. Panoorin nyo na lang. O kaya hanapin nyo sa youtube yung trailer. Produkto ng Cinemalaya, kaya maganda!

Pagkatapos naming manood (at maglaro ng sandali sa Timezone) e nagmamadali na kaming makaalis kasi may pasok pa kami ni Kimi (that time ay panggabi pa sya). Pero on the way ay napagtripan namin na kumain ng heart-shaped Chocolate Cake na naka-display sa Brownies. Ang sarap kasing tignan. Pero dahil hindi naubos as usual ay ako na naman ang naatasang mag-uwi at dalhin sa office ang leftovers. Tsaka pumasok ang brilyanteng idea sa utak netong Kimimay at Ryan na sulatan daw namin yung cake na From:______ at To: Marye para magmukang may nagbigay daw sakin na isang secret admirer. Ampohtek. Well, medyo pathetic na pala pakinggan ngayon kapag ineexplain ko pero I guess nung mga panahong yun lahat kami naisip na nakakatuwang ideya naman sya. Oo. Pumayag ako dahil jologs ako. Tsaka wala namang mawawala sakin.

Kaso medyo nagkahirapan sa pag-iisip kung anong pwedeng posibleng pangalan ng imaginary admirer ko. Pero in the end ay sinabi ni Kimi na Leo na lang, mula sa pangalan ng karakter ni Jason Abalos sa Endo.

Ayun. Pagdating ko sa opisina katakut-takot na asaran at tanungan kung sino si Leo. Haha. Pero syempre sinabi ko naman na si Leo ay kathang-isip lamang. Hindi sya nag-eexist, na bunga lamang sya ng hindi patas na pagtrato sa mga taong walang other half tuwing Pebrero Katorse, sa komersyalismo ng araw na yun at sa perwisyond idinudulot nito sa sa lahat ng single sa buong Maynila, sa buong Pilipinas, sa buong Mundo! Ayon, sa awa naman ng Diyos hindi pa rin sila naniwala! Tsk tsk. Kala pa naman daw nila may papakilala na daw ako na boyps sa wakas. Muntik na nga ata silang maniwala na babae pala ko haha. FUNNY.

Halos limang buwan na rin pala ang nakakaraan pero tingnan mo nga naman, buhay na buhay pa rin si Leo. To the point na napaisip pa ko ng malalim at ina-analyze na ko ng mga tao.

Oh well, someday darating din siguro ang totoong Leo ko na magshe-share sakin ng earphones nya, magreregalo ng tsinelas, kasamang maglalakad sa ilalim ng buwan at syempre, magbibigay sakin ng heart-shaped chocolate cake tuwing araw ng mga puso.

4 comments:

Unknown said...

yiheee! andyan lang si Leo sa tabi-tabi hehe. makakadate nyo na din sya ni Pagoy soon.

Marye said...

haaayyy. Leo. where art thou?? si pagoy laging hindi natutuloy ang date with me no?? haha!

Unknown said...

pag nag date na kayo ni Leo, chaperone si Pagoy! chempre!

Marye said...

but opkors, bantay sarado daw si Pagoy nyaha!