Bakit ba walang gumagawa ng mga kantang para sa mga taong naging tulay ng kasiyahan ng ibang tao, sa mga taong araw-araw umuuwi mag-isa na walang sumasalubong sa kanila, sa mga taong matagal nang hindi nakikita kaibigan nila, sa mga taong responsableng tumatawid sa kalsada, sa mga taong matapos magtyagang makinig sa problema ng iba ay lalayasan din pala?
Bakit walang gumagawa ng kanta tungkol sa mga taong naiiyak sa tuwing nakikitang pumapatak ang ulan, sa mga taong willing maghintay kahit gano pa katagal, sa mga taong palagi na lang pinaghihintay, sa mga taong allergic sa manok, sa mga taong may phobia sa manhole, sa mga taong hindi makatulog sa gabi hangga't hindi pa nila naririnig ang boses ng isang tao?
Andami-dami pa actually.
Palagi na lang tungkol sa kanilang mga broken-hearted, iniwanan, third party, two-timers, in love, hindi pinapansin ng mahal nila at kung anu-ano pa. Meron pa ngang kanta tungkol sa alak, sa condom, sa aso, sa kabayo, sa anino. Pero sa mga taong sawang-sawa na sa rejection ng ibang tao wala man lang makaisip magsulat.
Hindi ko lang siguro alam pero baka kahit papano ay may gumawa na rin pala ng mga kanta tungkol sa nabanggit ko pero ang point ay hindi sila kasing popular at mainstream ng mga kantang normal na pinatutugtog sa kaliwa't kanan. Paano na lang ang mga taong di nakaka-relate?
4 comments:
be happy! :)
asus. mukang may regular commentor na ata ako sa katauhan mo ser nyaha.
as always, Be Happy!
kanta lang yan. tao ka. wag ka paapekto :)
saraaaaahh! oh well. haymishu na. :)
Post a Comment