Last Sunday while I was browsing some books in a bookstore, some random guy came out of nowhere asked me about my opinion on what's the best stuff to give to a down friend. Naman. Syempre nagulat ako. At ang naisagot ko na lang ay "what do you mean by down?" I know it sounded lame or certified bobo but it was all I could manage to say. And he said yaddah yaddah, blah, blah, blah. I don't really want to be rude kaya ayun sinasagot ko naman ng matino yung mga tanong nya. Okay lang daw ba na book ang ibigay nya and if book nga what type naman daw. E nung mga panahong yun ang naisip ko agad ay chicklit. And I guess hindi pa nga nya ko naintindihan kasi iniba nya yung usapan. How about Harry Potter daw? Sabi ko okay lang din naman. Tsaka nya ko tinanong ngayon kung mahilig daw akong magbasa na nasagot ko na lang ng simpleng "medyo". My goodness. Nagulat ako sa sinagot nya ha. Sabi nya "wala sa itsura mo ang isang bookworm ah". Duh. Kelan pa nadaan sa itsura ang pagiging bookish. Nerdy glasses are so yesterday. Hanggang sa maiba na naman ang usapan dahil tinanong na ko kung ano ba ang course ko. Pambihira. Nung sinabi kong Geography sabi nya ay kakaiba daw yun. Mahirap daw ba yun kesa sa Sociology? hay. I hate it when some people pretend that they know something about some things when in fact they don't actually have a clue of what they're talking about. Susme. Hindi naman mahirap aminin na wala kang alam paminsan-minsan. Ako madalas akong ganun hehe. Medyo marami pa syang sinabi bago nya finally itinanong na medyo hindi ata common yung course na yun. So saan bang school ko kinuha yun. Nung narinig nya yung sagot ko sabi nya "so, matalino ka pala?" na sinagot ko nang isang malaking "Ngek" na sinagot naman nya ng "ang yabang naman". O kamon. Seriously?!Ako na nga na nagbigay ng oras para kausapin sya kahit medyo creepy paminsan-minsan yung mga sinasagot nya, ako na nagmamagandang-loob lang naman. It was the most uncomfortable 20 minutes of my life.
###
Nung Monday naman ay nagpunta ko sa UP after quite some time to watch a free Israeli movie. Keyword: free. Kasama ng ilang orgmates ay pinanood namin ang isang mala-documentary ng mga Filipino OFWs sa Israel entitled Paperdolls. By day ay mga caregivers sila but by night ay nagta-transform into drag queens. Ayun maganda naman. Before mag-start yung film ay nagkaron ng maikling speech yung director nung movie na si Tomer Heyman. Gosh. He's so gwapo. Naka-shorts, t-shirt at backpack lang sya. Crushable talaga as in. Pero as the film was progressing, pambihirang patis. Narealize namin na bading si papa Tomer! Sabay-sabay na lang kaming napabuntung-hininga. Sayang naman. Ang ganda rin ng naging relasyon nya dun sa mga Pinoy workers sa tel Aviv. Tinutulungan nya and everything. Sobrang gulat sya na sa bansa natin ay okay lang na magcross-dress ang mga bading at mag-out kasi sa Israel it's a big NO NO. Nagpa-picture na din kami after nung screening and I think I'm gonna post it as soon as Van uploads it.
###
Kelan lang ay napanood ko ang Y Tu Mama Tambien. Opo. Super delayed ko na sya napanood considering na sa UP ako nag-aral. Anyhoo, ayun grabe. Gael Garcia Bernal is love. He speaks Spanish, English, Portuguese, French and Italian. E sino naman talagan di maiinlab sa kanya!Kaso ang awkward na part ay eto. Since kahawig talaga ni Gael si Ping gosh para ko na ring naiimagine na hubad si Ping wahaha. nakakahiya actually. Pero ang galing nilang dalawa ni Diego Luna dun ha. Aliw sila, bagets na bagets pa.
###
About time. Matt Damon finally bagged the Sexiest Man Alive for 2007. I mean hello? What took the People staff so long to figure it out. Kudos to Matt. He definitely deserves it. By the way, ang galing nya sa Bourne Supremacy (grabeng pelikula yun astiiig!) at The Talented Mr. Ripley (kapapanood ko lang kasi sa 2 pelikulang yun).
###
I gotta admit this. Oo. Isa rin ako sa mga taong nanuod ng One More Chance at nahumaling sa character ni John Lloyd na si Popoy (pero hindi sa lahat ng scenes). Nakakaawa kasi pag umiiyak sya, yung kalungkutan nya ay nakaka-touch at syempre pamatay ang mga linya nya! Paborito ko ay yung part na nagwala sya sa restaurant at sinabi nya kay Basya (Bea) na "ang sakit-sakit na". Wahaaat! Syempre napakwento na naman kami ni Honey sa hatest subject namin. Lovelife. Tsk, tsk.
No comments:
Post a Comment