When Cinemanila came to UP, syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makapanood kahit na di ko man mapanood lahat ng gusto ko dahil sa trabaho. Kung dati kaya kong magbabad sa Cine Adarna pwes, nagbago na ang panahon. huhu.
Bakit ko ba pinanood ang Pisay? Hmm.Syempre dahil kay direk Aureaus Solito! The same guy who brought us Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, where I first saw Ping (although napanood na kita syempre sa Rizal pero hindi pa ako aware nun) and look at me now, how BIG a Ping follower I am now. haha. But I'm digressing. Yun nga si direk. Cinemalaya film sya. At akala ko ay konti lang ang manonood kasi school day at medyo maaga ang screening. Big mistake. Pambihirang patis, hindi ko talaga naisip ang mga Pisay People. Ang dami nila as in supeeeeer. Wala pa naman akong ticket kasi kala ko pipila na lang ako sa window para bumili.Grabe, grabe talaga.mga 30 minutes kaming naghintay na papasukin (nakapila ngapala ko sa isang side, kasama ng mga iba pang napangakuan nung organizer, habang pinapapasok lahat ng beauty and the geeks sa theater. hehe. In fairness to them, kahit ginigyera na sila ng mga tao dahil sa tagal at kawalang kasiguruhan, nakapasok pa naman kami at thankfully nakaupo din ako, sa monoblock nga lang. dami kasi talagang tao.Nakakatuwa nandun pala yung mga cast (most of them are Goin Bulilit kids). At ang ganda ng soundtrack.Pramis!
Sa sobrang dami ng tao ay sa ibang exit na kami pinadaan para hindi na namin makasulubong ang mga papasok pa na tao for the next film, Tukso, which unfortunately I can't really watch no matter how badly I want to. huhu. But seeing Ping, Sir Pen and Bajekjek made it all okay.Well, ganun talaga ang tagahanga.
Pangalawa kong napanood ay ang Best Picture ng recently concluded Cinemalaya 2007: Tribu. Pinilit bumangon kahit puyat pa 'ko and all pero worth it, as in. Yung ibang cast ay nandun, sina Makoy, Pongke at 2 pang guy na hindi ko alam ang pangalan (I'm so sorry!!!).Nagperform sila sa stage before ipalabas ang film. May short talk din si Direk Jim Libiran and a short background with regards to the film, which is actually his thesis. Dun ko (namin) nalaman na some of the cast were given a chance to study in CAL under the great Sir Almario. Grabe mga tsong, pagbutihan nyo ha! May nakitang something si direk sainyo kaya wag nyong sayangin ang chance na binigay sainyo lalo pa't kaunti na lang ang mga batang nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa peyups, sa mahal ng tuition.
Brutal kung brutal. dark kung dark. See our very own Tondo at its best and its worst. Bow ako kay Ms. Malou Crisologo. Sayang wala si Ghe-Ghe sa UP, gusto ko din sana syang makita. Si Sir Vim Nadera, kamusta naman ang binoculars! haha.Si Papa Dom ay dumalo sa lamay.Ayus.
Brutal kung brutal. dark kung dark. See our very own Tondo at its best and its worst. Bow ako kay Ms. Malou Crisologo. Sayang wala si Ghe-Ghe sa UP, gusto ko din sana syang makita. Si Sir Vim Nadera, kamusta naman ang binoculars! haha.Si Papa Dom ay dumalo sa lamay.Ayus.
"I love Thugz Angel"
Pero ang best part talaga ng gabi ay nung nakita ko si Howie Severino. Gosh. Na-starstruck ako, hence the title of this entry. Sa sobrang na-overwhelm ako na nakita ko na sya sa wakas, ay napa-"hi Sir" with matching kaway ako sa kanya. And he actually smiled and waved back!!! gosh. mag-isa lang ako niyan ha. on normal days di ko ginagawa yun. sana sunod si Jay Taruc naman. Madami na kong nakitang sikat na tao pero mas drawn talaga ako towards people na hindi super sikat. Sidekicks, kontrabida, artists, underground people, journalists and the likes. mas matutuwa pa ko pag nakita ko si Soliman Cruz, Berting Labra, Paquito Diaz, Subas Herrero, Bayani Casimiro Jr.,Kuya Bodjie at Ate Siena (wrong spelling pa ata), at marami pang iba. Pero syempre inaamin ko na gusto ko ring makita sina Marky Cielo, Sid Lucero at Shia LaBeouf (which is close to impossible!). haha!
Next destination: 9th Cinemanila International Film Festival. Kahit isa man lang. Volver or The Namesake or Persepolis. malabo na tayong makasilip kay parang Quentin Tarantino. Come on! If I know reserved na lahat ng upuan sa mga higher people. tsktsk. Life.
No comments:
Post a Comment