Saturday, May 05, 2007

sa piling ng mga kumakaripas na Cubao-Ilalim bus and other tales

being a commuter can really open your mind to reality. As if naman hindi pa ko namumulat sa lahat lahat ng reyalidad sa buhay ko. pero wala lang. siguro at some point in my life i was bound to be a scientist because i'm a big observer. lahat ay pinagmamasdan ko at ginagawan ng kwento, ng background. binubuo ko sa sarili kong utak. kaso, hanggang dun lang ata ako. hindi siguro ko lumevel-up sa hypothesis phase kaya eto, maging geographer na lang daw ako. wahaha!Plus, i suck in chemistry and physics and MATH. Enough said. So becoming a scientist or astronaut was never an option! Magpatawa ka na lang ng tao Mariela God must have said. E di kung ganun bakit hindi na lang ako pinanganak oozing with confidence and charisma para naging stand-up comedian na lang ako???!! Kasi nga, iba ang itinadhana para sa'yo.

aba. mukhang may sayad na ata ako apart from having a suspicious lung problem. kahit sino naman ata ay sasayad ang katinuan sa mga pangyayaring ganito sa ating "di-kumikitang kabuhayan".

naalala ko na naman ang matinding pagnanasa ko na sana, one day,pag naglakad ako sa may julia drive or pearl drive at sa lahat ng streets and avenues sa ortigas, ay may purpose na talaga ko. hindi bilang isang freshly grad, unemployed and bona fide reject na nagmumuni-muni sa katitingin sa mga nagtataasang building. So sana, huwag namang mangyaring naubos na ang building sa ortigas ay hindi pa rin ako natatanggap. haha!

By the way, di ko alam kung anong katopakan ginawa ko pero nag-aaply ulit ako sa isang company (offshoring.com) bilang isang research writer. Pumasa naman ako malamang sa exam kasi nag-move forward naman ako sa initial interview (or is it just their way?!). at sa monday nga i have to come back for the writer's research exam. wooo. i hope to pass it because this is something i think, is the closest i can get to my old passion: writing. haha! as if. i'm keeping my fingers crossed then.

and later i'm off to watch a gallery opening for the first solo exhibit of my friend's mom. yey! i'm so excited. it's not everyday i get to be invited in functions such as this. magpapaka-demure at feeling may class ako mamya. haha!

oh. and how time flies. 'tis coming ever so close. all i really want for that day is an honest job and 500 peso-reservation fee for Harry Potter and the Deathly Hallows (hummy dapat ikaw na lang magbigay sakin neto e, kaso alam ko kuripot ka tsaka Machiavelli nga pala ibibigay mo sakin)! Yay!

No comments: