Graduaaaaaate na ko!!!!!
Hindi lang iisa ang dahilan kung bakit masayang-masaya ako na nakagraduate na nga ako (although hindi pa official). Una na siguro dun ang Finally. After n years of staying in UP (and-I- wouldn't-bother- explaining-why-it-took-me-that-long-but-if-you-want-to-i-could-tell-you-just -ask- me!) sa wakas naman ay makakasagot na ako, proudly, na "oo, graduate na ko". And I guess everybody dreamt of graduating right? I'm just one of them. Pangalawa, it only means that i am SOOO over math now. After my nth time of enlisting, sleepless nights, insane days you've caused me (and my other friends too!), praying, buying bluebooks, photocopying sample exams, cursing all my teachers and other horrible experiences, I'm so, so darn happy it all paid off even if it took me many times just to overcome you. Lastly, makakahanap na ko ng trabahong mas matino dahil may lisensya na ko for that another whole world out there. OR NOT!!!
Pero kasabay ng pagtatapos na ito nangangahulugan lamang na maraming taong dapat pasalamatan all throughout the years. Syempre hindi ko pa maibabalik sainyo ang lahat ng tulong na ibinigay nyo sakin sa ngayon pero someday, mangyayari din yun. Sa dami ng papasalamatan ko ay hindi ko na alam kung maaalala ko pa kayong lahat, kasi kahit mga taong hindi ko naman naging close talaga pero naging part kahit once ng college life ko ay kino-consider ko nang nakatulong sakin. Hayaan nyo someday ay mababayaran ko din lahat ng kabutihan ninyo!
Sa lahat ng nag-congratulate at super happy para sakin nung gabing nalaman ko na pumasa na ko sa math ko, maraming salamat sa pakikisama sa kasayahan ko. Super elated ako nun to the max: barbs, june, mon, leidz, kimi, pam, nj, em, hummy, anna, jas, mitch, izay, tita edna, tito rene, honey , jenna at mikki. Sa 2 taong kahit na hindi ko naman nasabihan pero apparently ay nakarating sa kanila ang balita: ed and glady. at sa nag-email para i-congratulate ako: jog. Maraming salamat sainyo guys!
Ang college life ko nga pala by the way ay hindi lamang resulta ng iisang tao bagkus ay collective effort ng maraming maraming taong nabulabog kong tumulong sakin over the years (nasabi ko na ata to in my previous entries). Although hindi ko alam kung san magsisimula, siguro sisimulan ko na lang sa:
*lola dearies ko
Lola Teddy at Lola Sarah. Syempre sila ang pinakaunang dahilan kung bakit nakapag-aral ako sa UP kahit ayaw ng iba kong mga kamag-anak . I'm sorry pero it was UP or nothing at all. Akalain mong determined na pala ko noon!
*We Are One
kayo ang unang pamilya ko sa UP. Grabe, kung ikekwento ko man yun, it should be a whole another story to tell. Ate Grace, Honey, Izay, Che-Che, Jog, Popsie at Rocky, ika nga ng Fall Out Boy Thanks for the Memories.
*Block N2 friends ko na sina Weng at Jan!
*UP Sorg orgmates and families ko especially batch dos mil!
* Sa lahat ng classmates ko nung high school na sobrang naging close ko nung nag-college kami, sobrang treasured yun.
*UP Explore orgmates and families! I Love UP Explore!
*Geography Department friends. Ang hirap i-categorize kasi mga naging kaibigan ko sa department ay naging orgmates ko at superfriends pa. pero nevertheless maraming salamat pam, kimi, juraine, ed, ela, sarah, mitch, jayvie, leriz, june, essie, jp, raymond, mona, eman, van, aileen, chantel,lady, dean.
*Aurora fieldmates. 2nd year anniv na natin mga tsong!
*Lahat ng maging teachers, professors, instructors ko then and now, whether pinasa nyo ko or not. Pero special thanks kina sir Mandigma, Ma'am Vallesteros, Sir Leyson, Sir Sonny Ortega, Ma'am Nantes, Ma'am Yany. At sa lahat ng mga tumanggap sakin nung nag-prerog ako sa mga klase nyo, grabe, salamat talaga.
*Kina Sered, Ma'am Abad, Mang Cris at Mang Rolly( sa pagtanggap sakin bilang SA for 2 years).
*Sa Bermillo family. Grabe supeeer talaga! For all the support: financially, emotionally and especially spiritually! Sobrang na-feel ko kung panong magkaron ng pamilya dahil sainyo. mahirap i-define kung gano ako nagpapasalamat sainyo sa lahat ng tulong na ibinigay nyo sakin pero maraming maraming salamat talaga.
*sa lahat ng mga naging groupmates ko. sa sobrang dami na nun ay hindi ko na rin kayo matandaan pero you also deserve to be thanked kasi pumasa ko sa subjet na yun kasi ka-group ko kayo. ahaha!
*sa lahat ng mga drivers ng jeep na pumayag na hindi ako magbayad at patawad naman dun sa lahat ng mga jeep na winantutri ko..:(
Maraming Maraming Salamat sainyong lahat kasi either kayo ay: tumulong sakin na magbayad ng tuition fees ko, nagpapakain sakin kapag wala akong pera (which is always!), nagpautang sakin pag wala na kong pera, nanlibre ng pamasahe, nagpakopya ng assignment, nakikinig sa mga laments ko sa math, thesis mates ko, nagbigay ng libreng bluebooks sakin, nagpahiram ng mga ballpen, mga nag-share-a-load at nagload sakin for free. madami pa pero hindi matatapos to kung iisa-isahin ko pa. So in short, nagpapasalamat ako sainyong lahat kasi naging patient kayo sa akin whether as a friend or classmate or orgmate, because of your unwavering support and belief na matatapos ko din ang lahat ng ito someday. at eto na nga yun!!
pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat..panibagong simula lang sa isa pang mas masalimuot na mundo.
pero as of now, kampai lang muna ng kampai!!
No comments:
Post a Comment