Monday, March 19, 2007

tumutubo na ang mga sunflower

...at nandito pa rin ako. pang-pitong cycle ko na 'to pag nagkataon ng sunflower-y summer. Parang kelan lang ay itinatanong pa namin sa isa't isa kung bakit bigla na lang lumilitaw ang mga naggagandahang bulaklak na ito tuwing summer. At ngayon ko lang actually nabigyan ng konkretong kasagutan ang mga tanong na yun. Nakita ko kasi kung pano nila (the great helpers) ginagawa yun. Nawitness ko nung binubungkal pa lang nila ang lupa...tapos ay dinidiligan na. So malamang ay naitanim na sya ng hindi ko na naman namamalayan. at ngayon, kasabay ng pagtatapos ng buwan ng marso, akalain mo bang unti-unti na itong lumaki just in time for summer. The wonders of nature nga naman.

As for myself, hindi ako kasing blooming tulad ng sunflower. nakakapraning kasi mag-isip gabi-gabi ng magiging future ko. but like all sunflowers, i do follow the movement of the sun. and that's all i can do for now.

No comments: