Clearly, as if it was only yesterday that I first watched Slapshock performed live in UP, parang naririnig ko pa din ang boses ni Jamir. Tama ako, Agent Orange nga ang kauna-unahan nilang tinugtog sa peyups. Malamang present ako nun kasi alam ko. Although we were having so much fun (at least before everything turned sour), malupit na talaga din ang crowd sa gitna. As always, lahat na ata ng "rakista ng *%" at "rakista ng -------" ay lumabas na. Ewan ko ba. Hindi naman nila alam kung ano talagang ibig sabihin ng mga pinaggaga-ganun nila. Hmmp.But all of us were in high spirits until nagkawalaan na nga ng cellphones. Una yung katabi ko, nagtataka pa ko kasi tingin ng tingin sa ilalim nya, parang may hinahanap nga.sumunod iniilawan na ng magkakaibigan ang kadamuhan habang nag-iislamman sa kapaligiran. I know. It was a lost cause from the start. Pero hindi namin akalain na pati si Dean ay magiging biktima ng karahasang iyon (yeah!).Medyo nakakakonsensya talaga kasi ako ang nagpapunta sa kanya dun in the first place. He could've stayed in his house while watching All Star Games but noooo, he has to go to UP, pumila ng almost 2 hours just to get inside para ano? makuhanan ng phone na hindi rin naman kanya in the first place.huhu.ang lungkot lang talaga. parang kaming lahat ay nawalan ng gana. ang hirap magsaya habang isa sa mga kasama mo ay namumrublema. Ika nga ni Dean, "nakakawala ng sense of humor" talaga.
Buti na lang kahit papano ay nakikigulo na rin sya sa photo ops. dun na nga lang kami bumawi lahat. sa pageemote ng kung anu-ano.
Hay. Andami kong "sana" pero tapos na. Hindi na maibabalik. Sorry talaga Dean. :(
No comments:
Post a Comment