Last January 24, I met the person whom I wanted to meet the most (as what I've put in my friendster account before this). Nagpasama ako kay Kimi because I know that she can cope with my Ping fanaticism plus she has a cam and she lives nearby Galleria.Funds were really low kaya hindi ko na sya nailibre gustuhin ko man (and she knows that). Sa sobrang excitement ko ata ay hindi matino ang naituro ko sa tinuturuan kong bata. haha! Patawad. Nung dumating ako sa tapat ng Cinema 3, wala pang masyadong mga important people, puro mga direktor pa lang ang andun. And then a fellow ka-Pingster texted me that she already saw Ping. My goolay. Di ko kinakaya ang mga pangyayari. But in short, I saw him. No, actually them. He's with Marian, of course. At medyo malayo pa yun. So, makuntento na lang tayo sa pagsilay sa malayo. Ang ikli ng hair niya! Nagulat ako dun at may goatee na ang lolo mo. Syet. Ang gwapo nya in person! Kimi even said that he really is. Coming from her, gosh, it's something you haf to believe dahil minsan lang tumingin sa lalaki yun at mag-declare na gwapo si ganito-ganyan. Pagkatapos magsight-seeing ng mga direktor (i.e., Bb. Joyce Bernal, Kidlat Tahimik, Raymond Red, Paolo Villaluna, Lyle Sacris, etc.) at artistas (i.e., Joel Torre, Eugene Domingo, etc.) ay nanood na nga kami.
Hindi ko na ikekwento kung anong nangyari sa pinanood namin pero Imahe Nasyon was GREAT. Kudos to all the 20 directors. My personal faves were 5 minutes by Ogie Sugatan, aksyon star ni Seigfried Barros, La Pula ni Roxlee at One Shot ni Paolo Villaluna. At gusto rin namin ng shirt nung guy sa Local Unit. huhu.
Pagkatapos ng movie ay medyo nagpanic pa ko dahil nag-aalisan na mga utaw at no!!!, hindi ako maaring umuwi ng hindi nakakausap si Ping at hindi nakakapagpapichur sa kanya kaya kapalan na kung kapalan pero naghintay kami at humanap ng timing kung saan ay hindi na sya kinakausap at kinu-congratulate ng kung sinu-sinong mga direktor, agent, producers at kung sino pa man yung mga yun. Gosh. Parang crush ko lang kausap ko sa super kaba. Honestly, nag-stutter na ko. Kung anu-ano na yata ang nasabi ko kay Ping. Hindi ko na matandaan masyado kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko. But I'm REALLY thankful na nakipag-usap sya samin (kahit na kanina pa sya hinihintay ng gf nya. hehe). Walang halong biro, Ping is SOOO nice. Tanda nya name ko sa Peyups, talagang nakipag-chikahan sya samin kahit 5 minutes lang. Walang ere. Hands down ako sa kanya nung mga panahon na yun. Ambait. Tatay Pen must be a proud dad to have Ping as a kid. :)
So, pasensya na kung kwentong fanaticism 'to, pero ngayon lang ulit ako nagpaka-fanatic. Not since Zachary Walker Hanson days. Haha.
It was such a wonderful feeling.
Sa lahat ng mga taong alam kong naging masaya para sakin, maraming salamat. Sa mga nag-view sakin sa friendster (haha!), bigla kasing dumami ang viewer ko eversince pinost ko yung pix namin ni Ping at mga taong nag-comment sa multiply ko, salamat ulit. Pambihira. Kung magpasalamat kala mo naman ay may award na nakuha. haha! Basta, i was just so darn happy!
Hanggang sa susunod na movie mo Ping.
At sa nalalapit namang EB sa fair ng Pingsters with none other than you, Ping.
2 comments:
ahahahahahahahaha!!! :)
naku!nahahawa na ata ako sa'yo. may angas pero cute. artist pa! have to have one of him!haha
marami kayang ping sa mundo??
hindi maaring magkaron ng madaming Ping sa mundo dahil nag-iisa lang sya! as much as i want to have a Ping for myself too, too bad, may marian na sya. haha!
ang gwapo in person honey!!!
Salamat sa cheering squad ko courtesy of you! :)
*mwah*
Post a Comment