Although last minute na nangyari ang mga bagay-bagay, simula sa pagpapareserve ng venue at pag-aasikaso ng mga foodie, i'm real proud to say that UP Explore did it once again. Even if we're really low on funds we made it through the Christmas Party cum Applicant's Night in what better venue than the Balay Kalinaw. Yes. Ang BALAY KALINAW ng UP.
Kahit na nagsimula ang araw ko na 'to na windang na windang I'm, sooo glad na na-accomplish ko lahat ng gagawin ko. At plus na lang talaga ang panonood ng Annual Oblation Run. Haha. Honestly, wala sya sa schedule ko that day pero since sarado pa naman ang office na hinihintay ko, aba, might as well watch na lang. Lo and behold! kahit nasa second floor lang ako at feeling ko wala naman talaga kong makikita aba, akalain mong dumaan sila sa harap namin mismo sa 2nd floor! Yung tipong kahit na mag-one-on-one pa kami ng lahat ng tumakbo e di magkukulang ng partner kasi ganun kakonti ang tao dun. hehe.
After watching the infamous OR, i headed to OSA para magpapirma kay Ma'am Cuevas at kahit na pinaghintay nila ko ng apat na oras e sige, fine, okay na yun sakin kasi kailangan talaga namin yun para magamit na namin ng officially ang Balay.
Ngapala, isa ito sa pinakamalungkot na taon sa buhay ko sa UP and I'm sure for most of the Peyups' population. Wala na ngang Lantern Parade, naipasa pa ang Tuition Fee Increase! Punyemas na Buhay talaga! Kaya kailangang maging last sem ko na talaga 'to.
At since birthday ni Eman kinabukasan at last day na namin sa UP for this year, natural lang na may inuman! Muli, UP THERE na naman ito. Pramis, ito ang pinakamalaking event na nangyari samin (at least yung mga frequent customers nila). Super andaming tao. Aside sa mga usual peeps like Pam, Van, Eman, Me, and Juraine ay may mga bagong recruit ang Up There. Kasama din ang mga UPX mems like Aileen, Essie, Patrick, Izay, Darryl, Hummy, Jaja (and Cox), Joey. Dumating pa sila Rain, Ice, Mica at grupo nila Mon at Darren. Napakasaya ng mood. May mga taong kahit noon lang nagkita ay nag-bond ng parang 10 years na silang magkasama. Wasakan moment? syempre meron din! At lahat na yata ng toast e nai-toast na namin. Nung may dumating pang ibang taga-UP din mas naging masaya pa kasi total singing performance sila. Ang saya maging taga-UP. Lahat talaga tayo may itinatagong kajologan deep inside our soul. HAHA!
Wapaaak talaga.
Para sa mga Up There Mates...Cheers!
No comments:
Post a Comment