Thursday, November 23, 2006

Cine Europa Marathon

Hay. It's really true that some of the best things in this life are for free. Since libre naman sya at bored to death na ko sa kakabasa na lang, na-trip-an ko na manood. grabe! 3 gabi ko ding kinarir ang Shangri La. although maraming nanonood at pahirapan talaga makapasok dahil sa limited tickets, i managed to watch 8 out of 12 films. at pinagsisisihan ko talaga na hindi namin napanood ni kimi yung Breakfast in Pluto (naubusan kasi kami ng ticket!). oh well. not bad na rin yun. syempre lahat tayo may favorites when it comes to films and i'll post here kung anuman ang naging peyborit ko. haha!



1. Karo and the Lord (Austria)- grabe nakakaiyak kasi sya. tsaka maganda din yung story. medyo mababw lang pero masaya at nakakaaliw si Karolin lenz. :)
2. One Way Ticket to Mombasa (Finland)- crushie ko yung bidang guy dito! parang cross between tom welling and gael garcia bernal. hehe. dahil din sa film na 'to gusto ko ng pumunta ng Finland (kahit super lamig dun!) para makanta ko din yung 'mombasa' song ng No Future Today.
3. Simon(The Netherlands)- eto talagang pagkatapos mong manood parang wala na lang sayo makakita ng boobs. haha! maganda ang friendship nila. as in.
4. The Miracle of Bern (Germany)- Ang kyut kasi nung bata tsaka kahit set sya in 1954 maaaliw ka sa kanila. at dahil din dito nalaman ko na 22 ang players ng football. at medyo parang gusto ko nang mag-research about football!
5. Russian Dolls (France)- medyo about romance and career 'to e. yung bida has an eerie resemblance to ewan mcgregor. maayos naman sya. From Paris napunta sa Russia tas napunta sa England. Ang cute din ni Kevin Bishop dito (at nung character nya). whew! talagang nag-aral sya ng Russian para dun sa babae.
6. Everybody Famous (Belgium)- isa pa 'tong napaka-unique na film. hanep sa twist! at mapapakanta ka pa ng "Lucky Manuelo". :)
7. Zelary (Czech Republic)- eto daw yung nominated sa Oscar for Best Foreign Film..hmmm..medyo may mga boring na scenes at ang haba kasi. pero ayos lang.
8. When the Sea Rises (Belgium)- ang pinaka-boring na film na napanood ko.. parang nagtipid sila sa cast, sa gamit, sa lahat! pati sa story na din.





yan ang giant schedule board ng Cine Europa sa Shang Cineplex



Dahil hindi namin mahanap flag ng Germany (for some reason) dito na lang ako sa UK lumapit. hehe.

No comments: