Since nung madiscover namin to nila Honey at Che-Che sa newly-built-for-richy/feeling-rich-people-of-Quezon-City(and adjacent places) na The Block (SM North Edsa), ay hindi na ko naka-get-over. tama bang parang ganun ang maging reaction. although this is the first "fully booked" chain that i've been, wala na, panalo na talaga. iba pa rin ang feeling na nakukuha ko when i'm around books, much different when you're around with your crush. medyo nakakahilo at masakit sa heart na realization once na na-overcome na ang amazement. ang ganda kasi ng pagkakaayos e san ka pa! alphabetically arranged ang mga fiction and non-fiction books. mas maganda kesa powerbooks ng shang-ri la! Nga lang syempre, it costs a lot..especially for me na Booksale items person na eversince.
Kaya lang, since may nadiskubre na nga ang mga katulad kong bookies na bagong haven, meron namang bagong kalaban ang management ng bookstore na yun ngayon. e di kami! tayo! nung 2nd time na bumalik ako dun (after a grueling 109 exam) medyo nakatatlong oras kami ni kimi dun! Okay pa ang lahat. konti lang din naman kasi ang tao, pumwesto lang kami sa may carpet along almost every children's books, fairytales, etc..Basa basa ng comics series tulad ng Baby Blues (tawa lang kami ng tawa), Garfield, Dr. Seuss, tsaka yung pambatang novel ni Neil Gaiman. after nun e umalis kami pero bumalik din naman para magbasa ulit (hanlameg kasi naman!) at ayun na. sabi ni Kimi tinititigan na daw kami ng mga staff dun at pabalik-balik na kaming iniikutan. haha! kahit nahihiya ako di ko tinitingnan yung mga mama. Yaan mo nang si kimimay na lang ang makipagtinginan din sa kanila dahil wala namang pakialam yun at di mahihiya yun. :)
all in all, nakapag-stay pa kami ng another two hours dun kahit na ansama na nga ng mga tingin nila samin. bonus pa dahil nakakita din kami ng mga fellow UP studes na ikot din ng ikot. bunch of guys who are obnoxiously loud (kung di ko lang kilala yung isa dun talagang maaasar ka sa kanila) pero wag ka, nagkasundo kaming lima na masyado ngang masama na ang tingin ng mga staff saming lahat pero keber.
oh well, medyo matagal na din yun. as of now di pa rin ako nakakabalik ulit. baka kasi mamya may warning notice na sa labas ng store na bawal na kong papasukin in the future! haha. hello?? pangalawang araw pa lang yun. humanda sila sa mga susunod (kung meron man). buti ang NBS katips kahit bulok na mga upuan hindi nila ipinagkakait ang public reading.
No comments:
Post a Comment