Wednesday, August 23, 2006

One Long Weekend

Tatlong araw ding medyo nag-isa ko sa 'bahay' namin. Some friends ay umakyat ng Batad. Kainggit nga kaya lang ay meron akong Stat 101 exam na hindi ko pwedeng ipagpaliban and besides, haf no money. So no money, will not travel. Ang buhay nga talaga. So, sabihin na lang nating friday night ay nag-aaral ako, Saturday morning ay ngarag na ngarag ako pagkatapos ng exam kaya natulog na lang ako pagdating ko ng bahay. Paggising ko e madami naman akong ginawa. Nag-transcribe ng onti, nagbasa. Nag-isip. Nagbasa ng mga txt messages. Transcribe uli ng onti, nakatapos magbasa ng book at nagsimula na naman muli ng panibago (na natapos ko ding basahin agad in 3 hours). Ayun. Pretty much like that. Wala pa kong load. Actually nagdadalawang-isip pa ko magload talaga (wala na ngang pera di ba?) kaya lang ayun malungkot walang kausap at tsaka may taong nagce-celebrate ng birthday nya nung Monday na hindi ko pa nababati. And I guess, hindi naman ako nagsisi na naglabas ako ng 25 pesos (note to self: 2 araw na lakaran ang kapalit nito!). Nabati ko yung friend ko na yun (na medyo nagdrama pa whatsoever kasi kala nya nakalimutan ko daw birthday nya.ako pa. haha!) at may mga kakulitan din ako nung gabing yun. Salamat sa Globe Unlimitxt (o libre plugging na 'to ah!), some people made that day bearable.

Dahil sa kanila e medyo namiss ko ang Dramachine Babies. Nauna na si Izay na medyo napraning sa isang forwarded message ko (na sinesend to many ko naman talaga so no pun intended talaga!). Nasabi ko na lang ay..."O nga no? Sensya na, di ko naisip yun actually". Anyway, erase erase na lang. Ahh, izay. :)

Sumunod si Che-Che na nagtext ng:
"Hi guys, wala ln, narinig k na naman cruisin' kya namis k na naman kau.Sensya d kc k naging fri last friday e.Sana we cud rili mit up soon.My kulang kc tlga.Huhu

Yep, ganyan si che. Kahit di kami nagtetext at nagkikita ng madalas e di naman kami nagkakalimutan (same as Ate, Izay, Hunny, Jog, Ran and Rocky). Napa-ahww na lang ako e.Tsktsk.

At eto ang pinakamalupit. Hindi ko 'to inaasahan kaya siguro ganun. Sa inyo na nakakakilala kay Popsie, more or less ay alam natin kung ano liko ng utak nun di ba? Pero sobrang "nahipo" talaga ko ng aming conversation.

Una e nagpadala sya nito:
Would you love someone who completes you?
Or a person who loves u completely?
"You Are Thwe One"..
Opens August 30 in theaters near you..
Hehe..
E nagkataong 'medyo' gusto ko syang panoorin sa simpleng kadahilanang matagal na kong di kinikilig at gusto ko talagang magpaka-jologs kaya nagreply ako ng something like this:
"Talaga?Gusto ko pa nmn yan actually!Libre mo ko?haha!"
Na sinagot nya ng:
"Tangina marye! Lupit mo! Namis 2loi kita!"
Sorry pero ang unang reaksyon ko syempre e natuwa.Pero nung binasa ko uli, medyo kinabahan ako kasi baka hindi pala totoo yun..tipong kinda sarcastic pala yun. Kaya nagtanong ako ng"
"Compliment ba yun?Dapat ko bang ikatuwa yun?"
Eto ang reply nya:
"Uo! Mis na kitang lukaret ka!"
Ahhww..At isang kulitan na lang ang sumunod.
Wala lang. Mababaw lang talaga ko, when you least expect it, people makes me happy in their simplest way without them ever knowing that they just did. Ganun talaga e.
By the way, misyamisya guys!Kung pwede lang na sa isang pitik ng kamay ay magawa kong nasa sunken garden tayong lahat at tamang nagkukulitan lang, ginawa ko na. haha! pero dahil di pwede, i hope to see you all at the same time, SOON.

3 comments:

Hannee said...

Tama! kapag naririnig ko yung cruisin eh kanta pa rin natin yun!!:)

college was more special because of the dramachine babies and "we are one!!!" sana magkita-kita na ulit tayo!overnite kaya!!???san naman?? :) sana yung lahat tayo tas kapag hindi pede si rocky e tawagan natin siya !! -hannee

Graciela said...

awww.. seriously namiss ko si ran after basahin yan, but not in the romantic sense, but in the "we are one" sense..

being with him for more than 2 years, i will say that what he texted you was really sincere. kilala mo yun, tamad yun, di mag-aaksaya magtext yun kung di nya feel..

i really hope we can still be friends after all this, sayang e. ikamusta mo nga ko dun sa batang yun. kamusta mo din ako ke tita sally.

Hannee said...

wow!ate!?is that you? i am happy that you really moved on :) ang weird nga lang basahin na..tipong parang sa kayo pa rin pero hindi eh.hehe basta!:D