Wednesday, August 09, 2006

Film Marathon na ito: Mabuhay ang Pelikulang Pilipino! (Mabuhay!)

Dahil mahal ko si Ping, syempre, gumawa ko ng paraan para mapanood lang 'tong pelikulang 'to.Buti na lang at libre lang sya sa Cine Adarna Videotheque. My first time to watch there. At hindi naman ako nagsisisi sa pagkakapanood ko nito. Hanggaleng. Ang simple lang ng istorya na umikot sa kanilang anim. Pare-parehong naghahanap ng trabaho sa iba't ibang kadahilanan. Would you believe na isang Muslim ang pinortray ni Pinggoy dito?Kahit ako nagulat.Ang galing! Kahlil is LOVE.
Mga paborito kong linya ni Kahlil:
(scene where Sarah, her love one, left him): "Kumakain ng chicharon kuya mo! Kumakain ng chicharon kuya mo!" (laugh trip to the max talaga yun!)
(scene where kahlil was forced to eat bagnet); "Masarap po sya, crunchy." Sabay luwa.
Pero all in all, maganda yung film. Ito ang masakit na katotohanan sa lipunan natin. Nagpapakahirap kang umusad pataas para makuha ang minimithi mong trabaho, para lang ibigay sa anak ng padrino ng nag-iinterview, kalokohan!! Nakakainis, pero tamang reyalidad lang. Isa pa. Sa isang di mawaring kadahilanan ay nagsenti mode ako dahil sa ending song ng Trabaho, ahhhh. Medyo nagkaroon kasi ko ng phase sa "Ikot" ng Stonefree (kamusta naman ang cameo ni Miro at publicity ng banda sa background!hehe). Ayun. Ganda kasi talaga ng kantang yun. Sabayan pa ni Ping na nagja-jog sa Acad Oval (definitely a carless oval day). ahhhh.Bakit di nyo sinabi?!! Sabagay.Baka makailang take kayo dahil sa mga taong mamimyesta kay Ping. haha.

Pinaghirapan ng maraming tao 'to. Mapa cast, crew, publicity, etc. At syempre, naghirap din ang organisasyon namin para lang makatulong sa pagbebenta ng tickets nito. Worth it naman sya panoorin e.Natuwa talaga kami, coming from a point of view of a Sorsoganon, yung accent ni Daniel (Sid Lucero), grabe ang freaky, para talaga syang tagadun. Pero yung ibang character medyo exag, parang dating bisaya na. Watching Donsol made us miss our province so much. Parang andun lang sa harap namin.Ang mga kalsad, tao, tindahan. Hayy.Although medyo mababaw sya, dahil love story sya, gusto ko talaga yung parallelism na pinapakita ng butanding sa mga tao. Ang mga butanding, they come and go. Sure na dadating sila sa mga tubig ng Donsol, pero sure din na aalis sila one day. Katulad sa mga tao. Bumabalik sila sa isang lugar, alaala o tao man upang umalis ding muli isang araw. At like ko na si Sid Lucero after ko mapanood (ng 2 beses!) ang Donsol. Too bad hindi sya nakarating sa showing sa UPFI. Si Liss Angel, Simon Ibarra at Direk lang ang nameet namin. Oh well.


Again, because of Ping. Tsaka The Dawn na rin syempre. They're some kinda an institution when it comes to music world. Okey lang. Nothing so grand (except the musical scores hehe). Kahit si Ping ay creepiness dito (as one portraying the late Teddy Diaz). Si Francis Brew, er Reyes ang total laugh trip dito ant ang bandang Ratbunitata. More like goons kaya sila. katakot.Si Buddy ang kyut-kyut. Si JunBoy ay magaling umarte in fairness. Si Jett. Ayos lang. Musta naman sa hair? Si Caloy Balcells (yung original member na may cameo sa film) ay napakagwapo. Kahit antanda nya na, grabe!Ayun, just look at the painting of Teddy and you'll see why they took Ping to play in this role. Galen-galeng talaga nun. Tomorrow, The Dawn will be watching at the UPFI too. :)

No comments: