Tuesday, August 29, 2006

Hell Hath No Fury

never in my acadademic life (kahit na minsan ay towards mediocrity na ang performances ko) na umiyak ako dahil sa isang teacher. por dios y por santo. bakit ba hindi na lang nya sabihin ng harap-harapan samin na hindi pa sya nakagawa ng exam, hence, the reason for our super-delayed exam. hindi sa nagpapakatalino ko kaya atat na kong mag-exam..ayoko lang kasi na magkasabay sila ng exam ko sa math to think na pareho silang mahirap. pero wala, nagwagi pa rin ang evil sa mundong ito. after ng matagal na rebyuhan, matinong usapan (though sya hindi), nagwagi pa rin sya. fine. kung pwede lang i-drop tong subject na 'to pero hindi e.kahit na anong gawin ko e magkikita pa rin kami't magkikita.peste talaga. wala syang karapatan to make a living hell out of our college existence. sya ba nag-papaaral sakin? sya ba ang magbabayad ng tuition fee ko next sem in case na bumagsak ako?hindi naman e. kaya hindi sya masaya e.kaya maraming galit sa kanya e.sobrang nakakainis talaga.napahiya man ako sa klase ngayong araw pero alam kong not in vain. for the first time din ay nagrebelde ko sa prof sa pamamagitan ng hindi pagsagot. kung alam lang nyang nakaka-depress ang pinaggagagawa nya at hindi mababago ng pakiki-chummy nya sa mga estudyante nya especially to boys when he's a guy in the first place ang pagtingin namin sa kanya. pakshet talaga.

**
so parang ganun ang nagiging trend ng buhay ko ngayong week.medyo iyakan blues lang. wala lang.at least ang dahilan ng pag-iyak ko nung sabarday ay dahil naman sa tuwa. i felt so 'loved' and thankful to God that day na kahit kala ko e wala nang makakatulong sakin (on such a short notice) e nagprovide sya. yun ay isa sa mga moment na di mo na lang mapigilan na umiyak kahit di ka naman talaga naiiyak pero nung nasimulan mo na e antagal bago ka nahimasmasan. So anyway, i was saved by the bell. and the bell this time was popsie.

Thursday, August 24, 2006

these days too many people are falling in love. too many tears have been shed and i suppose there's more buckets to come. Pinch, pinch. No, I'm not one of them. And that is too unfortunate.

Wednesday, August 23, 2006

One Long Weekend

Tatlong araw ding medyo nag-isa ko sa 'bahay' namin. Some friends ay umakyat ng Batad. Kainggit nga kaya lang ay meron akong Stat 101 exam na hindi ko pwedeng ipagpaliban and besides, haf no money. So no money, will not travel. Ang buhay nga talaga. So, sabihin na lang nating friday night ay nag-aaral ako, Saturday morning ay ngarag na ngarag ako pagkatapos ng exam kaya natulog na lang ako pagdating ko ng bahay. Paggising ko e madami naman akong ginawa. Nag-transcribe ng onti, nagbasa. Nag-isip. Nagbasa ng mga txt messages. Transcribe uli ng onti, nakatapos magbasa ng book at nagsimula na naman muli ng panibago (na natapos ko ding basahin agad in 3 hours). Ayun. Pretty much like that. Wala pa kong load. Actually nagdadalawang-isip pa ko magload talaga (wala na ngang pera di ba?) kaya lang ayun malungkot walang kausap at tsaka may taong nagce-celebrate ng birthday nya nung Monday na hindi ko pa nababati. And I guess, hindi naman ako nagsisi na naglabas ako ng 25 pesos (note to self: 2 araw na lakaran ang kapalit nito!). Nabati ko yung friend ko na yun (na medyo nagdrama pa whatsoever kasi kala nya nakalimutan ko daw birthday nya.ako pa. haha!) at may mga kakulitan din ako nung gabing yun. Salamat sa Globe Unlimitxt (o libre plugging na 'to ah!), some people made that day bearable.

Dahil sa kanila e medyo namiss ko ang Dramachine Babies. Nauna na si Izay na medyo napraning sa isang forwarded message ko (na sinesend to many ko naman talaga so no pun intended talaga!). Nasabi ko na lang ay..."O nga no? Sensya na, di ko naisip yun actually". Anyway, erase erase na lang. Ahh, izay. :)

Sumunod si Che-Che na nagtext ng:
"Hi guys, wala ln, narinig k na naman cruisin' kya namis k na naman kau.Sensya d kc k naging fri last friday e.Sana we cud rili mit up soon.My kulang kc tlga.Huhu

Yep, ganyan si che. Kahit di kami nagtetext at nagkikita ng madalas e di naman kami nagkakalimutan (same as Ate, Izay, Hunny, Jog, Ran and Rocky). Napa-ahww na lang ako e.Tsktsk.

At eto ang pinakamalupit. Hindi ko 'to inaasahan kaya siguro ganun. Sa inyo na nakakakilala kay Popsie, more or less ay alam natin kung ano liko ng utak nun di ba? Pero sobrang "nahipo" talaga ko ng aming conversation.

Una e nagpadala sya nito:
Would you love someone who completes you?
Or a person who loves u completely?
"You Are Thwe One"..
Opens August 30 in theaters near you..
Hehe..
E nagkataong 'medyo' gusto ko syang panoorin sa simpleng kadahilanang matagal na kong di kinikilig at gusto ko talagang magpaka-jologs kaya nagreply ako ng something like this:
"Talaga?Gusto ko pa nmn yan actually!Libre mo ko?haha!"
Na sinagot nya ng:
"Tangina marye! Lupit mo! Namis 2loi kita!"
Sorry pero ang unang reaksyon ko syempre e natuwa.Pero nung binasa ko uli, medyo kinabahan ako kasi baka hindi pala totoo yun..tipong kinda sarcastic pala yun. Kaya nagtanong ako ng"
"Compliment ba yun?Dapat ko bang ikatuwa yun?"
Eto ang reply nya:
"Uo! Mis na kitang lukaret ka!"
Ahhww..At isang kulitan na lang ang sumunod.
Wala lang. Mababaw lang talaga ko, when you least expect it, people makes me happy in their simplest way without them ever knowing that they just did. Ganun talaga e.
By the way, misyamisya guys!Kung pwede lang na sa isang pitik ng kamay ay magawa kong nasa sunken garden tayong lahat at tamang nagkukulitan lang, ginawa ko na. haha! pero dahil di pwede, i hope to see you all at the same time, SOON.

Thursday, August 10, 2006

The Wheel Is Turning

The guy who doesn't like you before decides you're quite interesting and the guy you used to like (who actually came to like you but then that time you didn't like him anymore) who has now found his inner peace is making you mad for some weird reason. Or is it really the deal? It's probably a rare case of "i'll never get over you gettin over me" thing. Shoot. Bullseye. If that is the case, then I am one selfish human. So screw me! I must be stoned to death for behaving such an ass lately. Tsktsk. It's fate knocking and kicking my freakin' shitty pride. Fine. So you won. What does it matter anyway? I'm still grumpy, lonely and alone. And my sulking in a dark corner won't change anything. My frog won't come out behind the curtain even if i declare war with gods of the world. And I hate that guy who frigginly denies to have ever known me and completely ignores me (when he used to tell me he would be everything i want him to be because I was everything he never knew he wanted). YEAH RIGHT. Boy, am I glad I never really believed in those stuff anyway (man it was way, way too freaky back then!). For me, he was just a kid. And i knew I have been very kind to him as far as i know. Never even mentioned how the whole thing freaked me out to friends we both know. I never, ever, made him uncomfortable. If there's gonna be one who'd be very uncomfortable, it has to be me. But I didn't. I took everything just fine. So why now, are the ghosts turning up against me?

Wednesday, August 09, 2006

Film Marathon na ito: Mabuhay ang Pelikulang Pilipino! (Mabuhay!)

Dahil mahal ko si Ping, syempre, gumawa ko ng paraan para mapanood lang 'tong pelikulang 'to.Buti na lang at libre lang sya sa Cine Adarna Videotheque. My first time to watch there. At hindi naman ako nagsisisi sa pagkakapanood ko nito. Hanggaleng. Ang simple lang ng istorya na umikot sa kanilang anim. Pare-parehong naghahanap ng trabaho sa iba't ibang kadahilanan. Would you believe na isang Muslim ang pinortray ni Pinggoy dito?Kahit ako nagulat.Ang galing! Kahlil is LOVE.
Mga paborito kong linya ni Kahlil:
(scene where Sarah, her love one, left him): "Kumakain ng chicharon kuya mo! Kumakain ng chicharon kuya mo!" (laugh trip to the max talaga yun!)
(scene where kahlil was forced to eat bagnet); "Masarap po sya, crunchy." Sabay luwa.
Pero all in all, maganda yung film. Ito ang masakit na katotohanan sa lipunan natin. Nagpapakahirap kang umusad pataas para makuha ang minimithi mong trabaho, para lang ibigay sa anak ng padrino ng nag-iinterview, kalokohan!! Nakakainis, pero tamang reyalidad lang. Isa pa. Sa isang di mawaring kadahilanan ay nagsenti mode ako dahil sa ending song ng Trabaho, ahhhh. Medyo nagkaroon kasi ko ng phase sa "Ikot" ng Stonefree (kamusta naman ang cameo ni Miro at publicity ng banda sa background!hehe). Ayun. Ganda kasi talaga ng kantang yun. Sabayan pa ni Ping na nagja-jog sa Acad Oval (definitely a carless oval day). ahhhh.Bakit di nyo sinabi?!! Sabagay.Baka makailang take kayo dahil sa mga taong mamimyesta kay Ping. haha.

Pinaghirapan ng maraming tao 'to. Mapa cast, crew, publicity, etc. At syempre, naghirap din ang organisasyon namin para lang makatulong sa pagbebenta ng tickets nito. Worth it naman sya panoorin e.Natuwa talaga kami, coming from a point of view of a Sorsoganon, yung accent ni Daniel (Sid Lucero), grabe ang freaky, para talaga syang tagadun. Pero yung ibang character medyo exag, parang dating bisaya na. Watching Donsol made us miss our province so much. Parang andun lang sa harap namin.Ang mga kalsad, tao, tindahan. Hayy.Although medyo mababaw sya, dahil love story sya, gusto ko talaga yung parallelism na pinapakita ng butanding sa mga tao. Ang mga butanding, they come and go. Sure na dadating sila sa mga tubig ng Donsol, pero sure din na aalis sila one day. Katulad sa mga tao. Bumabalik sila sa isang lugar, alaala o tao man upang umalis ding muli isang araw. At like ko na si Sid Lucero after ko mapanood (ng 2 beses!) ang Donsol. Too bad hindi sya nakarating sa showing sa UPFI. Si Liss Angel, Simon Ibarra at Direk lang ang nameet namin. Oh well.


Again, because of Ping. Tsaka The Dawn na rin syempre. They're some kinda an institution when it comes to music world. Okey lang. Nothing so grand (except the musical scores hehe). Kahit si Ping ay creepiness dito (as one portraying the late Teddy Diaz). Si Francis Brew, er Reyes ang total laugh trip dito ant ang bandang Ratbunitata. More like goons kaya sila. katakot.Si Buddy ang kyut-kyut. Si JunBoy ay magaling umarte in fairness. Si Jett. Ayos lang. Musta naman sa hair? Si Caloy Balcells (yung original member na may cameo sa film) ay napakagwapo. Kahit antanda nya na, grabe!Ayun, just look at the painting of Teddy and you'll see why they took Ping to play in this role. Galen-galeng talaga nun. Tomorrow, The Dawn will be watching at the UPFI too. :)