Nakakahiya mang aminin, aaminin ko na (sabay ganun!haha). Geography major ako pero susme, kung alam nyo lang. di pa rin ako maka-follow ng simpleng direksyon. Ang resulta? isang engot na batang naglalakad sa kahabaan ng buendia! Excuse me lang pero sa mga hindi nakakaalam, mahaba-haba po iyon. Oh well. Bakit ikamo ko nasa Buendia? E ano pa, para maghanap ng trabaho. Walang wala na talaga kasi kong resources e, kaya kailangan na talagang magka-trabaho ASAP. Yung pamasahe ko nga e care of popsie pa e. Hehe. Madaming salamat (pagaling ka na uy!)
Pero seriously speaking, biglang nas-evaporate ang pag-asa ko sa buhay. I sorta reached a very low level in my life. E kamusta naman?Kahit nung mga panahong nag-wo-worry na ko dahil wala na kong matirhan o kesyo wala na kong makain di naman ako umabot sa ganitong point. Medyo onti na lang. hehe. Kasi naman. Bakit nga ba? Paglabas ko sa People Support at sa Export Bank Plaza narealize ko na wala akong mapapala kung ako lang talaga ang aasahan. Kinakain na ko ng nerbyos ko at takot sa mga pormalidad na ganun. Nakakainis kasi alam kong kailangan yun at natural lang ang mga bagay na yun. Grr. Bakit ba kasi hindi ako sinanay ng mga nagpalaki sakin na mag-interact sa ganoong pamamaraan. Sorry talaga, pero kahit nasa UP ako hindi pa rin nadagdagan ang kumpyansa ko sa sarili ko. parang sa UP ako nagsimulang matutong magsalita. So, pano ba yan? Nakakaiyak. Nakakalungkot. I think ito na ang simula ng libo-libong rejection na matatanggap ko sa buhay ko. Hay buhay.
***
Hunny! Sana mabasa mo 'to. Sensya na, walang load e. :) Kahit naman nahihiya ako, isasantabi ko na muna yun. hehe. Maraming maraming salamat sainyo ng pamilya mo. Ano ba? Ano bang ginawa ko nung past lifetime ko to deserve you, Ate Grace, Izay, Popsie, Pam, Weng, Kimi, Len...and so on and so on..Andami nyo na nga e, medyo ang haba na ng listahan ko. haha!Pag nakausap mo si ate, kumusta mo na lang ako.di ko sya matext kasi ala nga kong load at ngayon lang uli ako nakapagnet after 10 years!Next net ko most probably ay sa birthday ko na lang. :)
***
share ko lang sa mga kaibigan ko: last long weekend (April 29-May 1) ay nagpunta ko ng Baguio. Yup, Baguio. Sandali..lemme explain. Onga wala kong pera (totoo pa rin yun!) so pano ko nakapunta dun? Courtesy na po iyon ng mga kaibigan dun sa itaas ng bundok Baguio at take note: utang pa din yung iba. Kaya nga wala naman talaga kong nabili e. Sobrang excited at tuwa ko lang talaga ksi FIRST time kong umakyat dun sa Pine City. At oh my gulay! maganda dun..lammeegg nga pala talaga. Kaso andaming tao kasi long weekend nga so sinamantala na yata ng lahat ng tao na umakyat sa Baguio, so how's that?Ang mga napuntahan ko: Camp John Hay, lakad-lakad sa may Burnham, sa resto ni Kidlat Tahimik (uber sa ganda!) na nagngangalang 'Oh My Gulay'!, sa strawberry farm, UP Baguio, Walang kamatayang Session Road at bahay nung dalawang kaibigan namin. Ayun lang. Masaya ko nun, kahit sandali nakalimot ng problema sa Maynila. Peechurs? next time na lang. :)
No comments:
Post a Comment