Saturday, May 27, 2006

the art of dealing

When Hannee told me a few weeks earlier that " May, ang payat mo na!", i somehow thought that it really couldn't be that bad. But after hearing remarks such as "Dude, ang payat mo na!" and "Ate Marye, bakit ang payat mo na?", well, it must have been bad after all. But the greatest (or meanest) blow I dare not imagine would come from my Geography teacher. He asked me (with his unique singsong pronounciation of my name pa kamo) "Marye, bakit ang payat mo na? Nag-aadik ka ba?". Whoa. Kumusta naman yon di ba? I must have been going down the drain faster than I thought I'm supposed to be going. I made a mental note to weigh myself if I ever get the chance. The probabilities are quite strong that my usual 43 kgs have also declined.

Although I'm going through these things every friggin' day, sometimes, what one can do is to find the perks of such new found path in life (even if you insist there's none!). Come to think of it, a month ago, I probably would have died with the thought of having no meals in between, nowadays, I'm grateful enough to have a full lunch and dinner. I haven't drank any softdrinks (until 3 days ago when an orgmate bought me a sakto) for sometime now, eaten any junk foods (save from few occasions that friends are actually eating one) nor sweets (even a single chocnut I manage to avoid) and of course, the fast foods.The urges often do come, but like what Ate used to say, "it's just an urge!" Mababaw it may seem, but real. It's just a matter of fighting the temptations and having a tight budget.

But beyond all these "worldly desires" (nyak!), there are things that are far more important than just dreaming of the much-desired mcdo meal! My friends, if ever I made a promise to any one of you to not shed too much tears anymore (i forgot specifically to whom e), well, I am so sorry. haha! I cry not becasue i am always sad or in the verge of breaking down but simply because I'm just mighty happy for having been this far. My heart swells with all the kindness everybody's been giving me (naks, pero pwera biro). I guess in times like these, all we'll ever gonna need are some right people with all the right purpose. When Hannee took me out that one wonderful Sunday, sobrang masaya na talaga ko nun, pero syempre hindi papayag yun ng ganun lang. :) Si Pam, na pinagbabaon pa ko ng lunch (straight from Bulacan pa) after a draining day of numbers and formulas.Heartwarming di ba? When a friend’s father texted me from abroad telling me that “I’m like another daughter to him..”, pakshet, gusto kong ipanganak uli right there and then. For Ate Grace, whom I need not elaborate more for it’ll take too much space and time. Basta, I dedicate my Math 11 and fieldwork grades to you. Yung manong Ikot driver who willingly took my 4 pesos fare because I found out wala na pala kong pera. Ito siguro yung isa sa mga moments na di ko makakalimutan. Dahil na rin siguro sa hiya at tuwa di ko na napigilang umiyak. Kamusta uli! Si kimi. Ang kaibigan kong tatahi-tahimik at napaka-kuripot pero big hearted talaga inside. My constant ear lender kahit alam kong minsan nakakasawa na din. Life’s really full of surprises ika nga. Si izay, kahit na bihira pa kaming magkita. Parang Priory of Sion lang yan e, kahit di mo pa makita, the wheels are always in motion . Si Juraine, ang batang nagdala sakin sa Baguio. Kapag kasama mo si Juraine, never kang magugutom! Sa mga constant support ng iba ko pang mga kaibigan. Si Sarah, na sasagot daw ng future grad shoes ko, hehe, si Ela na karamay ko nung nireject kami that one gloomy Tuesday, kay Raymond, Ed, Len, June, Es, Tel, Rain, Popsie (kahit bihira tayong magkita at 2 beses mo na kong iniindyan!), Pol, blockmate Weng.

Parang gumagawa ko ng speech of thanks no? Or parang last testament (wala kasing will e).Hmm..creepy pala ito. But the bottom line is hindi ko nakakalimutan at makakalimutan lahat ng mga taong tumulong at tumutulong sa akin during these dark days. Maswerte pa rin ako even with less pounds off of me. Kahit na hindi ko na matutunang hindi umiyak tuwing naririnig ko ang Helena at Breakaway for some strange unknown reasons, okey lang talaga. Siguro nga bobo ko sa conversational English (kaya ko nireject haha!) at matatagalan pa kong maging lover ang sine ,cosine, tangent, exponential functions, derivatives at limits, pero one day soon it’s gonna happen to you..I mean, someday, somehow, I’ll also gonna see the light every proud graduates have seen in their time. Amen.

Thursday, May 11, 2006

..a merry little birthday..

napansin ko, aside sa 2 international texter ko (ate and cheche) ay puro mga globe people ang bumati sakin. Hmmm. bakit kaya?dahil ba sa unlimitxt? 2 lang ang bumati sakin na Smart people. hehe. Nwey, nakakatuwa naman kasi may mga taong di ko ineexpect na babatiin ako pero bumati sila. Maraming Salamat sa nakaalala, sa lahat ng mga bumati sa lahat ng paraan. Pero si Lord, gumagawa ng paraan kahit papano. Kani-kanina lang ay nakita ko ang isang kaibigang matagal ko na ring di nakikita at yun, pinainom nya ko ng isang iced chocolate na medyo lalagnatin yata ko a presyo. hello!isang baso lang yun. parang gusto ko ngang sabihin a kanya kung pede bang i-convert ko na lang sa mcdo meals yun. well, pera naman nya yun e.hehe. sadyang ganun talaga ang buhay.

I just want to thank God that I'm still alive and i've surpassed some storms and still hanging on despite everything. I am thankful for all the people He made as an instrument of my survival (tama ba yun?!). :) basta, gusto ko lang sabihin na i wouldn't be here kung hindi dahil sa mga kaibigan kong walang sawang tumutulong sakin, and you know who you are dears! :) so, I guess, even without the cakes, the balloons and all that jazz, the best gift one could ever receive is the fact that I'm still here, flesh and all. And yeah, I am getting old for cripe's sake!

Happy Birthday to me!

Wednesday, May 10, 2006

maikli lang 'to

kahapon, nagsimula ang araw ko na umiiyak at muntik na sanang matapos din sa iyakan, buti na lang mabait talaga si Lord at di Nya ko nilunod sa luha. issues?tardiness! na-test na naman ang patience ko sa paghihintay. ayoko talaga kasi ng naleleyt at wish ko lang lahat ng tao ganun din sana. Oh well. pangalawa ay rejections. Hmmm.I really belive that 2 rejections in a day was too much for me. ganun talaga siguro ang buhay "out there in the wild". okey na ko ngayon unlike yesterday. i'm getting over all the failures in my life at sa mga darating pa.
Good si Lord kasi dahil sa lahat ng nangyari ay medyo nagbigay Sya ng reward. bottom line ay nakakain ako kahapon ng maayos. sobrang thankful ako dun!

Tomorrow is my big day. I wish to be happy forever. :)
Actually, 3 lang naman wish ko talaga:
1) makapasa sa lahat ng subjects ko this summer
2) makahanap ng trabaho ASAP, at
3) muling makakain ng pagkaing fastfood, restoran, etc. namimiss ko na ang feeling ng isang busog. :)

Maraming salamat sa lahat ng taong nagmamahal sakin! yea ba!

Friday, May 05, 2006

Byahe

Nakakahiya mang aminin, aaminin ko na (sabay ganun!haha). Geography major ako pero susme, kung alam nyo lang. di pa rin ako maka-follow ng simpleng direksyon. Ang resulta? isang engot na batang naglalakad sa kahabaan ng buendia! Excuse me lang pero sa mga hindi nakakaalam, mahaba-haba po iyon. Oh well. Bakit ikamo ko nasa Buendia? E ano pa, para maghanap ng trabaho. Walang wala na talaga kasi kong resources e, kaya kailangan na talagang magka-trabaho ASAP. Yung pamasahe ko nga e care of popsie pa e. Hehe. Madaming salamat (pagaling ka na uy!)

Pero seriously speaking, biglang nas-evaporate ang pag-asa ko sa buhay. I sorta reached a very low level in my life. E kamusta naman?Kahit nung mga panahong nag-wo-worry na ko dahil wala na kong matirhan o kesyo wala na kong makain di naman ako umabot sa ganitong point. Medyo onti na lang. hehe. Kasi naman. Bakit nga ba? Paglabas ko sa People Support at sa Export Bank Plaza narealize ko na wala akong mapapala kung ako lang talaga ang aasahan. Kinakain na ko ng nerbyos ko at takot sa mga pormalidad na ganun. Nakakainis kasi alam kong kailangan yun at natural lang ang mga bagay na yun. Grr. Bakit ba kasi hindi ako sinanay ng mga nagpalaki sakin na mag-interact sa ganoong pamamaraan. Sorry talaga, pero kahit nasa UP ako hindi pa rin nadagdagan ang kumpyansa ko sa sarili ko. parang sa UP ako nagsimulang matutong magsalita. So, pano ba yan? Nakakaiyak. Nakakalungkot. I think ito na ang simula ng libo-libong rejection na matatanggap ko sa buhay ko. Hay buhay.


***
Hunny! Sana mabasa mo 'to. Sensya na, walang load e. :) Kahit naman nahihiya ako, isasantabi ko na muna yun. hehe. Maraming maraming salamat sainyo ng pamilya mo. Ano ba? Ano bang ginawa ko nung past lifetime ko to deserve you, Ate Grace, Izay, Popsie, Pam, Weng, Kimi, Len...and so on and so on..Andami nyo na nga e, medyo ang haba na ng listahan ko. haha!Pag nakausap mo si ate, kumusta mo na lang ako.di ko sya matext kasi ala nga kong load at ngayon lang uli ako nakapagnet after 10 years!Next net ko most probably ay sa birthday ko na lang. :)

***
share ko lang sa mga kaibigan ko: last long weekend (April 29-May 1) ay nagpunta ko ng Baguio. Yup, Baguio. Sandali..lemme explain. Onga wala kong pera (totoo pa rin yun!) so pano ko nakapunta dun? Courtesy na po iyon ng mga kaibigan dun sa itaas ng bundok Baguio at take note: utang pa din yung iba. Kaya nga wala naman talaga kong nabili e. Sobrang excited at tuwa ko lang talaga ksi FIRST time kong umakyat dun sa Pine City. At oh my gulay! maganda dun..lammeegg nga pala talaga. Kaso andaming tao kasi long weekend nga so sinamantala na yata ng lahat ng tao na umakyat sa Baguio, so how's that?Ang mga napuntahan ko: Camp John Hay, lakad-lakad sa may Burnham, sa resto ni Kidlat Tahimik (uber sa ganda!) na nagngangalang 'Oh My Gulay'!, sa strawberry farm, UP Baguio, Walang kamatayang Session Road at bahay nung dalawang kaibigan namin. Ayun lang. Masaya ko nun, kahit sandali nakalimot ng problema sa Maynila. Peechurs? next time na lang. :)