Tuesday, April 18, 2006

home is where the heart is....

...in that case, i guess, i never really had a heart all this time. I'm still trying to locate where the darn heart could've possibly be.

in less than a week i'm gonna be homeless na...and a total wreck pa talaga (sorry for the grammar, lang time para mag-isip). so while some of my friends are already maintaining their filthy lives under a condo roof, going to macau for a vacation (no pun intended), getting excited on their respective out-of-town dates, I on the otherhand, ay napapatulala na lang palagi even in the middle of something. Can't really help it to think too much and assess my life. what's going to happen to me in the next few days. heck, i'm gonna go to church everyday if i survived the next 14 days of my life. san ba ko magsisimula? ok, ok.so i probably have started already by fixing my loan. the next problem: where to get the darn 2000+ tuition for this summer? I thank Dean though, kasi kanina, medyo naliwanagan naman ang isip ko sa mga gagawin ko nung nakausap sya.for a while some things made sense. the next best thing i can do is to write Sir Decenteceo a letter requesting for an extension on paying my tuition. If ever na makalusot, what about the next days?pano kapag dumatingna yung deadline at wala pa din akong money on hand? at san ako titira after 14 days? saan ba pwedeng pulutin ang mga taong walang mapuntahan. exag naman siguro kung kay mel tiangco agad, pero Lord ayokong umabot sa ganong point. arrgghh. kung pwede ko lang sana na i-cancel na ang pagsa-summer. kaso sayang naman cos i think and i believe that this is the shot that i've been waiting for all my college life. ipapasa ko na ang mga pesteng math this summer. bahala na kung saang parte man ng slum area sa quezon city ako mapadpad.

naisip ko tuloy pag nagkataon ang lungkot pala ng birthday ko. walang bubong sa ibabaw ng ulo ko sa araw na yun. nananawagan ako sa mga bahay ampunan dyan. sana tuloy naging pagong na lang ako. at least walang alalahanin na mga gamit, damit at libro. besides may sariling bahay ang pagong. OH NO!!! so that's it! kaya siguro ako attached sa mga pagong kasi unconsciously i really envy their bahay. hay. mahirap talagang mapabilang sa isang dysfunctional na pamilya. walang magulang, walang bahay, walang pera.

pero sa gitna ng mga kamalasang inaabot ko gusto ko lang ipaabot ang pasasalamat ko sa lahat ng taong inistorbo ko at pinagmakaawaan ng tulong. They have no idea kung gano ko ka-grateful sa kanila dahil nung mga panahong yon na nagpapanic na talaga ko para sa buhay ko, nakahanap ako ng comfort sa kanila. lahat ng klaseng tulong sobrang pinagpapasalamat ko. panglilibre sa pamasahe sa jeep, lunch, drinks, moral support, pagmamahal, prayers at iba pa. ang swerte ko pa rin kasi may mga kaibigan akong tumutulong pa rin sakin kahit papano. pero syempre, hindi naman lahat kaya nilang ibigay sakin. kailangan ko na talaga magkatrabaho ASAP kung ayaw kong matulog sa lansangan.

iba pala ang realization na tatama sayo kapag usapang tahanan na, at least para sakin. Kung nabibili lang sana ang bahay ng 3 dos hindi sana ko namumrublema ng ganito.

***

"... bakit?wala ka bang savings account?"

medyo napanganga pa ko nang itanong to sakin ng kaibigan ko. oo nga naman. naisip ko ni isang daan wala man lang ako sa bulsa ko,pano ko mabubuhay sabihin na nating magkaron man ako ng bahay na matutuluyan. HOW O HOW? pesteng mga bangko naman kasi, ang taas taas ng minimum requirement. andami-daming tsetse buretse, yan tuloy.

3 comments:

chris said...

marye,sana ok ka na. wag ka mag-alala, kaya mo yan. advice lang, dont allow yourself wallow to self pity. pero, as i read your entries, i see an optimistic person in you, which is good. tawa ka lang. everything will come to pass. on a lighter note, isipin mo na lang na kung gagawing pelikula ang buhay mo, hindi dragging. hehe. joke lang yun. tawa ka lang. salamat sa mga quotes - funny and inspirational. see you around campus. ingat.

Marye said...

salamat sa mga nagcomment!

che, as of now ok na ko. may dumating na provider. and i'm really grateful for her.but i still have to find work, and i will. thanks for the support and prayers.labyu! i mishu na!

chris! uy, may blogspot ka pla.friendster yung nakalink sakin e. :) nwey, yun din salamat!napangiti naman daw ako dun sa sinabi mo. hehe. you are most welcome!thanks uli.see ya around!

chris said...

binura ko na yung friendster account ko e.kaya wala na rin yung blog ko dun. ingat. at tawa lang ulit. see you around.