kahit na nagulantang pa ko kaninang umaga sa pag-aakalang "syet,late na 'ko!" ng marinig kong sumisigaw ang lola ko sa pinsan ko na alas otso na (at magsisimba na sila!) ay nakarating pa rin naman ako ng on time sa exam ko. At ang masasabi ko, (pasintabi,isa na naman uling) "syet, ang lameggg!". Napapailing na lang ako sa mga binabasa kong questions dahil pambihirang patis, parang lumipad talaga sa utak ko. Pero malamang di lang yun ang dahilan dahil alam mo na, "once a crammer, always a crammer".
Nwey, wala akong balak mag-dwell sa bwakanang exam na yan dahil mas marami pang importanteng bagay kesa dyan (hala!)!. katulad nung friday, ewan ko ba naman sa server ng blogspot at dehins makakonek, yan tuloy dito na lang ako naglabas ng kainisan. haha! Di ba importante naman yun? (with matching doe eyes!)
Dahil sa may time constraint ako ngayon, bukas na lang uli ako magpapalahaw ng mga matinong bagay. Pero bago yun, gusto ko lang sabihin na:
- Maganda naman yung Big Time ah! Anong nangyari sa mga Pilipino? Sabi nga ni Pepe Diokno, di pa siguro ready ang mga pinoy sa mga bagong tema at istilo ng pelikula. Pero balang araw...
- Sana hindi totoo ang chismis na matatapos na ang Etheria (at least wag muna ngayon, mga next month naman! nyahaha.)
- 3 na ang Neil Gaiman ko! WEEEEHH!
- May utang pa rin akong kwento kay Ate Grace (di ko nakakalimutan!)
- May problema talaga ang Blogspot sa ibang server. ARRRGGGHHH. Blogdrive or LJ? LJ si ____ e!hmmm..
- Namimiss ko na ang mga Highschool Classmates ko...terible!!!
- Si izay at che-che nakita ko lately lang, so, nasan si Honeybun?!!!
- Ang alitaptap ba kahit ikulong mo di agad mamamatay at mawawala yung liwanag nya?
- Sumakabilang buhay na si Dilat nung Huwebes. Wherever do fishes go when they die, i hope there's water there. :)
- Andaming nangyari kahapon. Tsk,tsk. Sayang. Andaming naging epekto tuloy.
- "What the world needs now is love, swet love.." I rest my case.
No comments:
Post a Comment