Friday, January 13, 2006

mga kwentong nais itapat sa Praydey da Tertint..

Friday the 13th ngayon kaya hindi ko talaga pinalampas ang araw na ‘to na hindi magkakaroon ng entry sa aking medyo-napapabayaang blog. (sniff sniff). Ayun. Not-so-colorful pa rin ang buhay ko, pero enough na para maging kahit rosy lang. Asus. Whatever that means. Masaya ko dahil katatapos lang ng first exam namin sa Math 14 (ayan wala ng curse sa simula ng Math 14!) nitong nakaraang Wednesday (insert applause and a long "hayyyyy":). Pagkatapos nun e trineat ko ang sarili ko at muntik pa kong mabulunan nung sinabi na nung cashier yung totoong babayaran ko. pAmbihirang patis! Akalain mong may separate na bayad ang isang piraso ng meatball? Hmmpp. Buti na lang in good mood pa rin ako kahit wala talaga sa plano yon. At ang isa pang masayang nangyari e nakabili na ko ng Stainless Longganisa ni pareng Bob. Nilubos-lubos na talaga.
Kung sa buhay buhay, e ganun pa din naman. Same routine: classes, SA, bookstores, AS Steps (paminsan-minsan), meetings. Oh dear, I miss the library terribly! haha! medyo wala akong sinasamahang mga kaibigan lately, kapag nagkikita-kita lang sa mga klase, sa hallways at sa walang kamatayang Steps.

eto isang malupit na kwento. ishe-share ko ang kaisa-isang conversation na namagitan samin ng tito ko bago sya umalis (kahapon yun) muli patungong Honiara. Trivia: Alamin kung nasaang parte ng mundo ang Honiara!) take note:almost 3 months din sa pinas ang tito ko, bakasyon enggrande talaga.

ang setting ay sa bahay at paalis na ko papuntang school. the conversation went like this:

Me: Alis na po ako.
Tito: Sige.

Yun na yun. yan na ang pinaka-panalong usapan namin. matipid kasi magsalita yun at mahiyain naman ako (sa harap nya) kuno. Asteeg di ba?

Sa kabilang banda ng akademikong pamumuhay ko (naks, meron pala!), boring! kanina sa PI namin, sa hindi maipaliwanag na dahilan e naisipan ng guro namin sa magpadebate na lng. Reporma laban sa Rebolusyon sa konteksto ng Noli Me Tangere at pwede na rin ng kasalukuyang panahon. Aba! Kamusta naman yon. Pinag-away nya lang ang mga estudyante nya at pinagsalita ang mga batang masyadong biniyayaan ni Lord ng "Perfect English Grammar". marahil ay tinamad lang si ma'am maglektyur nung oras na yon. sa tingin kasi ng kaibigan ko e walang kwentang pagdebatehan ang mga topic na ganun. sana iba na lang. mga tipong ano ang mas magandang subaybayan na koreanovela: Forbidden Love o Jewel in the Palace? at least this time, sure ako kung saan ako papanig. haha!

usapang lablayp naman. syempre si Ping pa rin! nakakalimang thread na nga sya sa peyups e. at dahil din sa thread na yon e napromote na ko mula sa pagiging 'newbie" patung o sa pagiging 'probie'. Success! Konti na lang at magiging peyups addict din ako. i mean mga 1 year na pagkokomento sa lahat ng thread. hehe.

tama na nga at masyadong wala ng kwenta ang mga nailalagay ko dito. in fairness, namiss ko ang blog ko. lagi akong online pero di ako nakakagawa ng mga entries, puro peyups lang lately. ate, definitely next week magkekwento na ko sayo! hannee! naeexcite na kong mag-meet tayo. yey, 8 days na lang. maycee, di ko mabasa yung blog mo. what about that? waahh. si sarsi, true love naman ang pinagkakaabalahan. juneeeee! salamat ng marami sa pasalubong, yum! ed, kamusta naman? namimiss ko na ang pagsasalita mo at kayabangan mo. joke lang. next time magsulat ka naman ng entry na hindi depressing yung theme. ha? ice, updates updates na lang dyan! parang di tayo nagkikita e. :) si dean, miss na miss na kita tsong! saybot, wala lang. hehe. So pano, hafi weekend na lang everyone!

Avisala!

No comments: