That twenty-something girl is now in her thirties. Still grappling life, still travelling.
Monday, January 16, 2006
Mea Culpa
Disney movies. i'm sure hindi kumpleto ang childhood natin kung hindi tayo nakanood ng kahit isang disney movie man lang. lahat tayo ay may kanya-kanyang paborito at meron ding hindi masyadong nagustuhan. depende sa taste natin. malay mo, yung gustong-gusto natin nung bata tayo e pag pinanood natin ngayon e hindi pala ganun nakakatuwa or vice-versa. depende rin sa state of mind natin nung mga panahong pinapanood natin yung disney movies na yun. kung nasa tamang pag-iisip na ba tayo nun para maintindihan ang mga salitang sinasambit ng mga bida.
gustong-gusto ko yung opening credits ng disney. feeling ko kasi, everytime na pinapakita na yun e tipong "i'm about to embark in a new and amazing adventure". hay, ang sarap maging bata, walang gaanong responsibilidad, walang gaanong problema. ang sarap tuloy manood ng disney movies ngayon. :)
nitong weekend lang, akalain mong nag-dvd marathon ang 5-year-old pinsan ko ng mga disney movies. sad to say, walang mga princesses. pinocchio, lady and the tramp part I and II, hunchback of notre dame part I and II at ilan pang di ko na maalala. pinagbigyan ko na rin ang hunchback..sabi nga ng 3 taong pinsan ko, "ay kampanerang kuba o!". kamusta naman si imang don di ba? ang haba ng hair! pero in fairness talaga, nung pinanood ko sya ulit, mas madami akong natutunan kesa nung unang beses ko syang napanood. okay pala manood ng may subtitle kahit english pa yung pinapanood mo. andami kong napulot na bagong kaalaman at mas nairelate ko talaga sya sa present society natin, kung di man sa Pilipinas e sa ibang parte pa ng mundo.
nalaman ko kasi sa Thinner ni Stephen King ang konting background ng mga gypsy. isa silang grupo na nakalimutan na ng panahon at kasalukuyang may masamang reputasyon. ewan ko kung bakit. siguro may ginawa sila or something. ang alam ko lang kasi sa mga gypsies e, isa silang group na hindi nagko-conform sa present society. so tayo namang "know-it-all", basta kaiba sa atin, outcasts na agad! tama nga si esmeralda,"just because we're different we're outcasts". naawa nga ko sa kanila. siguro di naman lahat ng gypsies e masama e.sana nga lahat na lang sila e kasimbait ni esmeralda..kahit na maganda sya, never nyang tiningnan ang panlabas na kaanyuan. nakakatuwa. kahit si phoebus. ayun, basta. magandang topic yung mga gypsy pag nagkaroon ng oras na magresearch, talagang pag-aaralan ko sila. :)
bawat movie e may moral lesson. kahit pa nga gasgas na ang mga litanyang ginagamit nila, at the end of the day e may point pa rin sila. goodness should always rule. ayun lang. tsaka, may panibagong kaalaman kang malalaman sa mga pelikulang pinapanood mo basta intindihin mo lang...maging pambata pa man yan.
Labels:
disney films,
quasimodo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment