Thursday, January 26, 2006

mga sana..

The Bakers are back. And this is probably the last time I'm/we're gonna see them. i dunno but for me i find this movie very interesting, funny and, much as everybody wouldn't want to admit it, heartwarming indeed. i'm gonna make this really short because everyone who knows me will really laugh at me if i ever do tell them (which is what i am actually doing now!) that i cried a lot with this movie. Because somewhere deep in my unchallenged mind, i have also wished to have belong in that Baker family, with Tom as my dad and Kate as my mom, even with 11 other siblings it wouldn't be that bad! Sometimes, i think of what could have been of me if i had a normal family just like everybody else. how to curse your mother because we think she's always at our neck, or how it felt to be piggybacked by your father, how to argue and at the same time, build a team with your brothers and sisters. i could list a thousand things that i wished i had but it would still be the same, i am here, and i have lived this life so far. it could have been better or it could have been worse, but i'm sure, i definitely wouldn't be where i am today if it was written in my destiny that i would be born in a normal/ordinary family. and i guess it really wasn't that bad cos i turned out alright anyway, as far as i know, or is it just me.

Wednesday, January 18, 2006

Turn Left, Turn Right: Manood Kayo!













UP EXPLORE invites you to watch our ACLE Film Showing featuring the movie 'Turn Left Turn Right" on January 19, 2006, PH 206 1-5 pm. See You!

Monday, January 16, 2006

Mea Culpa


Disney movies. i'm sure hindi kumpleto ang childhood natin kung hindi tayo nakanood ng kahit isang disney movie man lang. lahat tayo ay may kanya-kanyang paborito at meron ding hindi masyadong nagustuhan. depende sa taste natin. malay mo, yung gustong-gusto natin nung bata tayo e pag pinanood natin ngayon e hindi pala ganun nakakatuwa or vice-versa. depende rin sa state of mind natin nung mga panahong pinapanood natin yung disney movies na yun. kung nasa tamang pag-iisip na ba tayo nun para maintindihan ang mga salitang sinasambit ng mga bida.

gustong-gusto ko yung opening credits ng disney. feeling ko kasi, everytime na pinapakita na yun e tipong "i'm about to embark in a new and amazing adventure". hay, ang sarap maging bata, walang gaanong responsibilidad, walang gaanong problema. ang sarap tuloy manood ng disney movies ngayon. :)

nitong weekend lang, akalain mong nag-dvd marathon ang 5-year-old pinsan ko ng mga disney movies. sad to say, walang mga princesses. pinocchio, lady and the tramp part I and II, hunchback of notre dame part I and II at ilan pang di ko na maalala. pinagbigyan ko na rin ang hunchback..sabi nga ng 3 taong pinsan ko, "ay kampanerang kuba o!". kamusta naman si imang don di ba? ang haba ng hair! pero in fairness talaga, nung pinanood ko sya ulit, mas madami akong natutunan kesa nung unang beses ko syang napanood. okay pala manood ng may subtitle kahit english pa yung pinapanood mo. andami kong napulot na bagong kaalaman at mas nairelate ko talaga sya sa present society natin, kung di man sa Pilipinas e sa ibang parte pa ng mundo.

nalaman ko kasi sa Thinner ni Stephen King ang konting background ng mga gypsy. isa silang grupo na nakalimutan na ng panahon at kasalukuyang may masamang reputasyon. ewan ko kung bakit. siguro may ginawa sila or something. ang alam ko lang kasi sa mga gypsies e, isa silang group na hindi nagko-conform sa present society. so tayo namang "know-it-all", basta kaiba sa atin, outcasts na agad! tama nga si esmeralda,"just because we're different we're outcasts". naawa nga ko sa kanila. siguro di naman lahat ng gypsies e masama e.sana nga lahat na lang sila e kasimbait ni esmeralda..kahit na maganda sya, never nyang tiningnan ang panlabas na kaanyuan. nakakatuwa. kahit si phoebus. ayun, basta. magandang topic yung mga gypsy pag nagkaroon ng oras na magresearch, talagang pag-aaralan ko sila. :)

bawat movie e may moral lesson. kahit pa nga gasgas na ang mga litanyang ginagamit nila, at the end of the day e may point pa rin sila. goodness should always rule. ayun lang. tsaka, may panibagong kaalaman kang malalaman sa mga pelikulang pinapanood mo basta intindihin mo lang...maging pambata pa man yan.

Friday, January 13, 2006

mga kwentong nais itapat sa Praydey da Tertint..

Friday the 13th ngayon kaya hindi ko talaga pinalampas ang araw na ‘to na hindi magkakaroon ng entry sa aking medyo-napapabayaang blog. (sniff sniff). Ayun. Not-so-colorful pa rin ang buhay ko, pero enough na para maging kahit rosy lang. Asus. Whatever that means. Masaya ko dahil katatapos lang ng first exam namin sa Math 14 (ayan wala ng curse sa simula ng Math 14!) nitong nakaraang Wednesday (insert applause and a long "hayyyyy":). Pagkatapos nun e trineat ko ang sarili ko at muntik pa kong mabulunan nung sinabi na nung cashier yung totoong babayaran ko. pAmbihirang patis! Akalain mong may separate na bayad ang isang piraso ng meatball? Hmmpp. Buti na lang in good mood pa rin ako kahit wala talaga sa plano yon. At ang isa pang masayang nangyari e nakabili na ko ng Stainless Longganisa ni pareng Bob. Nilubos-lubos na talaga.
Kung sa buhay buhay, e ganun pa din naman. Same routine: classes, SA, bookstores, AS Steps (paminsan-minsan), meetings. Oh dear, I miss the library terribly! haha! medyo wala akong sinasamahang mga kaibigan lately, kapag nagkikita-kita lang sa mga klase, sa hallways at sa walang kamatayang Steps.

eto isang malupit na kwento. ishe-share ko ang kaisa-isang conversation na namagitan samin ng tito ko bago sya umalis (kahapon yun) muli patungong Honiara. Trivia: Alamin kung nasaang parte ng mundo ang Honiara!) take note:almost 3 months din sa pinas ang tito ko, bakasyon enggrande talaga.

ang setting ay sa bahay at paalis na ko papuntang school. the conversation went like this:

Me: Alis na po ako.
Tito: Sige.

Yun na yun. yan na ang pinaka-panalong usapan namin. matipid kasi magsalita yun at mahiyain naman ako (sa harap nya) kuno. Asteeg di ba?

Sa kabilang banda ng akademikong pamumuhay ko (naks, meron pala!), boring! kanina sa PI namin, sa hindi maipaliwanag na dahilan e naisipan ng guro namin sa magpadebate na lng. Reporma laban sa Rebolusyon sa konteksto ng Noli Me Tangere at pwede na rin ng kasalukuyang panahon. Aba! Kamusta naman yon. Pinag-away nya lang ang mga estudyante nya at pinagsalita ang mga batang masyadong biniyayaan ni Lord ng "Perfect English Grammar". marahil ay tinamad lang si ma'am maglektyur nung oras na yon. sa tingin kasi ng kaibigan ko e walang kwentang pagdebatehan ang mga topic na ganun. sana iba na lang. mga tipong ano ang mas magandang subaybayan na koreanovela: Forbidden Love o Jewel in the Palace? at least this time, sure ako kung saan ako papanig. haha!

usapang lablayp naman. syempre si Ping pa rin! nakakalimang thread na nga sya sa peyups e. at dahil din sa thread na yon e napromote na ko mula sa pagiging 'newbie" patung o sa pagiging 'probie'. Success! Konti na lang at magiging peyups addict din ako. i mean mga 1 year na pagkokomento sa lahat ng thread. hehe.

tama na nga at masyadong wala ng kwenta ang mga nailalagay ko dito. in fairness, namiss ko ang blog ko. lagi akong online pero di ako nakakagawa ng mga entries, puro peyups lang lately. ate, definitely next week magkekwento na ko sayo! hannee! naeexcite na kong mag-meet tayo. yey, 8 days na lang. maycee, di ko mabasa yung blog mo. what about that? waahh. si sarsi, true love naman ang pinagkakaabalahan. juneeeee! salamat ng marami sa pasalubong, yum! ed, kamusta naman? namimiss ko na ang pagsasalita mo at kayabangan mo. joke lang. next time magsulat ka naman ng entry na hindi depressing yung theme. ha? ice, updates updates na lang dyan! parang di tayo nagkikita e. :) si dean, miss na miss na kita tsong! saybot, wala lang. hehe. So pano, hafi weekend na lang everyone!

Avisala!

Wednesday, January 04, 2006

kwentong holidays

On Our New Year Celebration:
wala ang pamilya. umalis patungo sa minamahal-kong-Sorsogon. Malungkot na masaya in fairness. Tahimik nga. Pero wala naman akong ginawa kundi magbayad dito, bumili don, pumila dyan. Hay. andaming gawain din na iniwan ang tita ko kasabay ng pag-alis nila. Although wala masyadong festivities sa lamesa namin that night, nasa labas naman ang highlights. Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya na rin ako dahil nakatira ko sa kalawakan (street namin), kahit dulo pa man. Hindi na kasi namin kailangang gumastos para sa fireworks dahil mga kapitbahay pa lng namin e nagsisilupitan na ang mga fireworks. woohoo. parang mini luneta sa fireworks! Yun tipong isang oras pa ng tinatagal ng pagpapaputok nila at pagsisindi ng ilang oh-so-beautiful fountains. Ayun. Keri lang naman.

On Unexpected Peeps who Greeted Me:
this is not really an issue. gusto ko lang i-kwento ang mga taong never ko talagang inexpect na magtetext sakin nung New Year. Nung pasko kasi, masaya naman dahil in fairness, madami talagang nag-greet.hehe. Pero nung New Year kasi, naaliw lng ako dahil at exactly 12 am and so on, nagdatingan ang mga New Year Greetings nila. Tapos yung mga usual people na hinihintay ko na bumati e nawala. At yung mga bumabati sakin e medyo mga ten years ko nang di nakikita or nakakausap.Haha! Aliw talaga.But it's alright!! it doesn't mean anything. either nabati nyo na ko or you have your own reasons. mahal ko kayo lahat. except kay..:)

On Hannee and Te Greyz:
di ko alam kung anong mabuting nagawa ko to deserve having them as my friends. Sobrang bait at generous, manang-mana sa mga magulang nila na halos extended family ko na din. Hay. Basta, alam nyo na yon kung anuman yung ginawa nyo. Si Lord na ang bahala sa inyo. Someday soon, it's gonna be my turn.

On Other Stuff I've Received:
Nauna na nga yung kay ate greyz. sumunod e sa tita ko. kahit naman mataray yun lam ko mahal kami nun. hehe. sa lola dear ko na kahit walang pera e nagbigay pa rin. sa paborito kong pinsan na sobrang ikinatuwa ko ang regalo nya. alam mo talaga ang mga gusto ko! at hindi na sya kuripot. pero sad to say, di ko sya nakita dahil nasa family party pa nila.huhu. pero di naman daw nya nakikita si ping sa GMA e. sa lola dear ko pa na isa na malapit ng mag-birthday. Merry talaga ang christmas. Sabi nga ng mga tao sa bahay, kahit daw hindi ako umalis ng bahay e mas madami pa raw akong napamaskuhan kesa sa kanila. haha! which made me ask again what i ever did right to deserve these?

My so-called New Year's Resolutions

1. wake up earlier
2. spend less on not-so-important stuff
3. pray every night
4. read academic books more often (kahit masama sa loob ko.:)
5. Seriously study weeks before an exam (eherm,eherm!)
6. Try not to be a total pain to my relatives and friends (i will try)
7. Umuwi ng maaga-aga (although i have some doubts about this..)
8. bawasan ang pagiging masungit
9. bawasan ang panglalait sa mga bwakanang*nag-pi-feeling*rockstar*na*hindi*naman*talaga ..last na to.
10.if i can memorize names, dates, gossips and other nonsense informations, i can do the same with formulas. boohoo.
11. hope half of this list may be done so help me God.

Pinuyir!