Gayunpaman, maganda ang kinalabasan ng pelikula. at least para sakin. nung medyo matagal-tagal na din ang flow ng istorya, iniisip ko na rin agad kung pano nga winakasan ng direktor ang istorya ni maxi? mamamatay ba sya? dead end? o alang kwenta yung ending? sa kabilang banda, katanggap-tanggap naman ang ginawang pagtatapos ni aureaus (close kami di ba!). nasa sa atin ng manonood kung ano at paano sila[mga bida] napunta sa kinalalagyan nila sa pagtatapos ng istorya. at makatotohanan naman sa parte ni maxi kasi napatunayan ko na isang phase lang sa buhay nya si victor. at higit sa lahat, relevant ang istoryang ito. masakit man at nakakahiyang aminin, pero ito ang reyalidad ng buhay sa Pilipinas, ang buhay ng mga mahihirap.
sa opinyon ko, hindi talaga ang istorya ni maxi ang gustong ipaunawa ni aureaus ating mga manonood kundi ang isyung mas malalim pa dun. ang mga panaka-nakang kuha ng kamera sa mga bagay, lugar o tao ay mas mahalaga para maipakita sa lahat ang pang-arar-araw na tanawin natin na naisasawalang bahala na rin natin pero syang sumasalamin sa atin. ang mga spaghetti wires, "kumpare syndrome', imburnal, ilog na madaming basura, barong-barong, Filipino's hospitality at marami pang iba. Relevant para sa mga Pilipino at sa inang Pilipinas.
Natuwa lang ako dahil si maxi ay isang napaka-sweet na bata. totoo. at nakakatuwa lang yung idea kung paano hinandle ni victor ang emotions ni maxi para sa kanya..walang halong pananamantala ng damdamin. and i believe, that's really something.
paboritong linya ko galing kay tatay paco:
"... oo nga't pinalaki kitang magnanakaw, pero mamamatay tao, HINDI!"
go justify. :)
Happy watching!
No comments:
Post a Comment