Matagal ko nang gustong matutong lumangoy. Syempre, feeling ko kasi alien ako sa gitna ng mga taong parang isda kung lumangoy: walang ka-effort effort! At feeling ko, praktikal lang talaga yun dahil dios mio, tayo’y nakatira sa isang bansang napapaligiran ng tubig.
Sad to say, di nagkaron ng chance. Ewan ko ba. Dahil wala ding nagtyagang magturo siguro. Hanggang sa ayun, eto na ko. Sariling langoy lang ang alam. Bahala na,keep off the deep parts na lang. pero di ibig sabihin non na wala akong hilig sa tubig. Kabaliktaran pa nga e. masaya sa tubig. Mapa-ulan, swimming pool, dagat at kahit sa baha! Haha.
Pero never naman ako nawalan ng pag-asa na matututo din akong lumangoy someday. Dahil sa isang episode sa discovery channel, yung “so you wanna be…?” kids segment, na napanood ko nung high school. Isang featured na trabaho that time e isang dolphin trainer. Inspiring. kasi sabi nya, hindi talaga sya marunong lumangoy bago sya pumasok dun. 21 years old na sya ng matuto syang lumangoy. So, simula non, binibilang ko na kung ilang taon na lang ang natitira sakin para matuto kong lumangoy.
Eto, 21 na ko. Muntik na. Buzzer beater ika nga. Kahit na ayokong sumali ng bagong org, nagkaron ng dahilan, para lang matutong lumangoy once and for all.
Yung first pool session e medyo disappointing sa umpisa. Sabihin na lang nating di ganun ka-keen magturo ang mga mems. Buti na lang matiyaga yung inassign sakin. Hay, so thankful for that. Di nga ko makapaniwalang nagawa ko ng maayos yung mga pinapagawa nila sakin. Pag pinatalon, talon na lang. bahala na. swim for your life na lang. naisip ko kasi, instinct na natin yung lumangoy kapag feeling natin malulunod na tayo. Ganun yung sakin. Wag lang nila kong orasan sa pagte-tread.
Ang sarap ng feeling ng naka-fins at nag-i-snorkel! Hay…kakaiba.
At eto pa ang pinaka-astig, nakatalon ako sa tubig na 12 ft ang lalim from 5 meters above! Ha! Ako na hindi makalangoy to save my own life e nakalangoy. Astig!
*salamat kay Bry ng MBS at kay Carlo na din, sa walang sawang pag-aahon samin. Kay Kimi (na anak ng tubig!), sa pagpilit sakin,sa pagpapahiram ng gears at sa mcdo. :)
No comments:
Post a Comment