Monday, April 25, 2005

In Memory of my Phone

it's like having a hollow part inside of me. 

a void that cannot be replaced by any other. 

it's like losing the boy you've never really had, only the feeling is worse.  

i cannot define the emotions. 

it's tragic.  

i never knew any other feeling except numbness and joy, and yet, this.. ....... this is sorrow.  

*para sa 5 taong pinagsamahan.

Wednesday, April 20, 2005

Only Means...

Yey!
Im back.
Ang tanong.
Nafeel naman ba ang pagkawala ko?
I'm feeling fine today to be too dramatic.
:)

*nothing and no one specifically made me feelin fine today, i just did. end.

Babae Ako?

eto, nakuha ko lang sa blog ng may blog..hehe. ayoko talaga ng sinabi nya pero ayos na din pagdating sa last part. :)

Your Brain is 73.33% Female, 26.67% Male
Your brain leans femaleYou think with your heart, not your headSweet and considerate, you are a giverBut you're tough enough not to let anyone take advantage of you!
kaw din, alamin mo na. ala namang mawawala e.
*will remain in mum..
** pasintabi kay honey, nakuha ko 'to kay chuva (pronounced as shu-va).well, makes no difference. hehe.

Tuesday, April 05, 2005

Reminiscing

The only true currency in this bankrupt world...is what you share with someone else when you're uncool..."
-Lester Bangs, Almost Famous-

(still under construction. in vacation mode at the moment, pondering stuff. :)

Monday, April 04, 2005

We Are One

magkakaibang nilalang kami na nanggaling sa iba't ibang parte ng pilipinas.ewan ko kung san nagsimula ang lahat.kapitbahay namin ang boy's kingdom,dun pa kami nakatira sa landlady naming mukhang pera.nagsimula sa pagta-type sa laptop ni popsie na nauwi sa lipatan ng bahay. nakatira na kami sa bahay na pink ngayon kung saan samu't saring alaala at mga pangyayari na ang naganap.merong musikero,merong babaero,antukin,joker,wide reader,apol tree,brokenhearteds,nanay,provider,delingkwente,maitim,maputi,payat,mataba.pinagsama-samang indibidwal na nagmamahalan at naggagandahang nilalang.nyahaha.

marami akong memories sa kanila. both sad and happy alike. sila ang pamilya ko sa buong college life ko. takbuhan kapag may kailangan, adviser sa lahat ng bagay, mga konsensya ko, taga-sagot sa mga tanong ng buhay,confidantes.

kapag may achievement ang bawat isa sa amin, kahit sa paanong paraan,ise-celebrate namin yun. para sa amin,ang mga bagay na ganun ay tanda lang na pinaghirapan sya. kapag may umiiyak, pagtatawanan ka lang ng mga 'to hanggang sa matawa ka na din at makalimutan ang mga problema mo.kapag nagugutom ka, kahit na alas dos pa ng umaga yan, lalabas at lalabas para humanap ng makakain only to satisfy the grumbling stomach.

ang mga mommy nila na mommy mo na rin kapag dadating ng weekends.mga taga-sagip at taga-gawa ng mga alibis kapag hinahanap ng mga magulang.ang gamit nila na gamit mo na rin.pabangong pambabae na ginagamit din ng lalaki.mga agawan sa banyo. mga birthday surprises (na hindi na talaga surprise after a while) ranging from unbeatable cakes,sunken garden,mang jimmy's, bayview park hotel,baras rizal,bulacan,ilalim ng kama (!!!) at marami pang iba.mga bagay na nagkokonekta sa amin kahit na hindi na kami magkakasama.

maraming nagbago,maraming nawala at maraming di na rin maibabalik, pero sa likod ng lahat, kapag tumingin ka ng malapitan, mararamdaman mo ang mga pamilyar na kamay na hahawak sayo anumang oras na kailanganin sila.

*ang "we are one" club ay binubuo nila greyz,che-che,izay,honey,ran-ran,rocky,jog at syempre, ako.:)

Dramachine Babies

madrama.makulit.maingay.tahimik.pervert.introvert.iyakin.joker.corny-o's-jologs.sawi.tagumpay.basted.food lovers.champions sa katipiran.brokenhearteds.admirers.stalkers.movie buffs.music addicts.fanatics.maputi.maitim.vertically challenged.average.above average.sadness.happiness.coffee.chocolates.birthday cakes.sunken sessions.midnight talks and gossips.crammings.debuts.last full shows.bahay na pink.high faluting.inspirations.love.life.diliman.pilipinas.KAMI.

*para sa aking mga fellow dramachine babies: ate grace,che, izay at honey.hanggang sa mga susunod na kadramahan pa.:)

Introduction

In this world of imitation, where finding true friends are as exotic and as far flung as Timbuktu, how are you gonna find your real friends? It's like looking for a single beach in the country not crammed like any other beaches over the summer but equally beautiful and bedazzling. Of finding that piece of clothing you really like in a sea of ukay-ukays. The answer? HARD.

It's one thing to find friends but another to keep them for your entire lifetime. I guess, I found my own Timbuktu in the middle of Diliman jungle and they're here to stay. These are the few people who know the real Me, who've seen me first thing in the morning and right before they sleep,who have spent countless meals, laughter, pains, heartaches,silence, tears, opinions, gossips, toothpastes,

SMS, sleepless nights, scorching heats, bad-hair-days, triumphs, achievements and success that they could pass as my second sisters. Almost, but in different context.

I am many things now because of a lot of things. Including them. So, here's to the years we've left behind and will keep in the coming days ahead. Cheers!


*para sa mga dramachine babies.:)

Friday, April 01, 2005

Pasasalamat..

Ang hirap maging estudyante.Ang hirap din namang kumita ng pera.Masarap maging estudyante.Masayang kumita. Hay, gusto kong mag-aral na lang forever, pero syempre, tulad ng lahat ng bagay, kailangan din nitong magtapos. Kung kailan, yun ang million dollar question! (100 pesos na lang pala, ang mahal kasi nun eh!) :)

Kaya habang napagtyatyagaan pa tayong pag-aralin, mag-aral na lang tayo.Alalahanin: mahirap kumita ng pera. Unless anak ka ni Bill gates! :) Pagbutihin na lang at sikaping maging isang butihing mag-aaral. Magbubunga din ang lahat ng ito. Kung hindi man ngayon, bukas.


*Ang artikel na ito ay para sa lola Teddy at lola Sarah ko, kahit hindi man nila 'to mabasa. Maraming salamat!

a new beginning

a new home..
*
beginnings are always scary as what many people think. i am a believer of that.
*
welcome me now, world.

*every new beginning comes from some other beginning's end.
-Semisonic-